latest Post

' Basement ' mainit na tinangkilik ng mga manunuod

Isang kakaibang Valentine’s Day date ang naranasan ng mga manonood ng Basement sa opening week nito. Tunay nga’ng mahilig sa horror genre ang mga Pilipino kaya naman naging mainit ang pagtangkilik ng manonood sa pelikula ni Direk Topel Lee, na dati na tayong pinahanga sa kanyang pelikulang Ouija at drama-serye na Dormitoryo.

Kabilang sa positive feedback ng mga manonood ang mahusay na acting ng cast, lalong-lalo na sa mga young actors na sina Mona Louise Rey at Carl Acosta. Sina Mona at Carl ay gumanap sa pelikula bilang magkapatid na na-trap sa Basement kasama ang kanilang ina na mahusay ring ginanapan naman ni Chynna Ortaleza.

Marami ring naka-miss sa aktress na si Sarah Lahbati kaya’t laking tuwa ng kanyang fans nang mapanood ang kanilang idolo sa big screen.

Ikinatuwa rin ng manonood ang acting nina Albert “Betong” Sumaya at Jan Manual na nagbigay ng “comic relief” sa nakakatakot na kalagayan nila sa basement.

Napanood n’yo na ba ang Basement?

Kung ganon ay kilala n’yo na ang killer?

Sumali sa promo na ito upang manalo ng signed merchandise mula sa cast: http://www.gmanetwork.com/community/promos/41/Sino-ang-killer-sa-Basement-Promo

Para naman sa mga hindi pa nakakanood, ano pang hinihintay ninyo? Nood na ng Basement, now on its second week. Join the Basement community!
Like: http://www.facebook.com/BasementTheMovie
Follow: http://www.twitter.com/Basement_GMA -

See more at: http://www.gmanetwork.com

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>