latest Post

Dingdong Dantes and Marian Rivera celebrate Valentine's in Balesin Island

Sa Balesin Island, sa Polillo, Quezon Province, nagdiwang ng kanilang Valentine's Day ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
 
Ilang mga larawan mula sa kanilang "Valentine date" sa Balesin Island ang ipinost mismo nina Marian at Dingdong sa kani-kanilang Instagram accounts.
 
Ni-repost din ito sa Facebook page ng kanilang grupo ng mga tagahanga, ang DYnamics DongYan.
 
Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong, bago ang Valentine's Day, inamin niyang mag-a-out of town sila ni Marian. Pero hindi niya sinabi kung saan eksakto ang magiging destinasyon nila.
 
Sabi lang ng Kapuso actor, hindi ito ang regalo niya kay Marian sa Valentine's Day.
 
“No, I don’t believe in mga gifts pagdating sa Valentine's.
 
"Basta magkasama lang kayo, malaking bagay na.
 
"Saka let's say may mga kasama rin kayong mga kaibigan, parang in a way, parang it’s a holiday for us.”

Source: pep.ph

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>