latest Post

Mark Herras naging matapang sa pagsasabi ng totoo

Sa exclusive na panayam ng Startalk nitong Linggo, Pebrero 23. Inamin ni Mark Herras ang kanyang pagiging isang ama.
Ayon sa aktor 3 buwan na ang kanyang anak na babae na ang  pangalan ay Ada na ang ibig sabihin ay First  Baby Girl.

Kinumpirma din ng young actor na mas matanda sa kanya ng 5 taon ang ina ng kanyang anak. Si Mark ay 27 years old na at ang sinasabing Ina ni Ada ay 32 years old na ngayon na sinasabi din na senior handler ng actor.

Narito ang naging pahayag ni Mark sa Startalk TX

"Unang una po First time kong sasabihin ito sa buong tao, sa media, sa tv...

"Meron na po akong anak.

"She's a girl 3 months old, siya po yung first baby ko sa buong buhay ko.

"Iyon po yung gusto kong sabihin sa lahat ng tao. Yun po ang gusto kong aminin. "

"Ada, means First Baby Girl. "

Ngunit nilinaw ni Mark na hindi raw sila nagsasama ng ina ng kanyang anak.

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>