Vhong Navarro on support of the showbiz industry: “Una sa lahat, iba yung pakiramdam na mga kapwa natin sa industriya ay sinasabihan ako na, 'Susuportahan ka namin.' Isa pa yun sa mga nagpalakas ng loob sa akin para harapin ko po ang lahat.”
PHOTO: MARK ATIENZA

Dalawang linggo pagkatapos ibunyag ni Vhong Navarro ang pambubugbog sa kanya, muling nagpaunlak ng panayam ang aktor kay Boy Abunda para sa Buzz Ng Bayan kahapon, February 9.
Kung noong una ay naka-confine pa sa ospital si Vhong at bakas pa ang grabeng pinsalang natamo niya mula sa pambubugbog, sa pagkakataong ito ay nakalabas na siya sa ospital bagamat may kaunting bakas pa rin ng tinamo niyang pinsala.
Binalikan ni Boy ang paulit-ulit na pahayag noon ni Vhong na: “Binaboy nila ako.”
Ano ang ibig sabihin ni Vhong sa mga salita niyang ito?
Tugon ng actor-TV host, “Mahirap, kasi ang ginawa sa akin, naka-tape, naka-duct tape ang kamay ko, at may pinapasabi sa ‘yo na ‘di mo ginawa.
“May nakatutok na baril sa ‘yo, ibinaba yung short pants mo.
“Parang, hindi mo gagawin yun sa isang tao.
“Hindi ko alam kung ano po ang pumasok sa isip nila para po gawin yun.
“Pero para po sa akin, isa pong pambababoy yun.”
THE MYSTERIOUS PHOTO. Sinunog ba ang ari niya?
“Hindi po,” tanggi ni Vhong.
Pinalo ba ito?
“Hindi po. Pero noong panahon na yun, naka-blindfold po ako.

“After two days, three days, may nakitang pasa dito sa tagiliran ko. Kaya pina-check po namin ulit lahat.
Source: pep.ph