latest Post

Binata sinabuyan ng asido sa mukha ng ex-GF

Kritikal ang isang binata matapos sabuyan ng asido sa mukha at gulpihin ng dating nobya at kaibigang babae nang dalawin ng una ang dating kasintahan sa Valenzuela City, Lunes ng gabi, Marso 10.

Inoobserbahan sa Chinese General Hospital si Raymond Rodriguez, 26, ng Bacoor, Cavite. Nadakip naman si Beejay Martinez, 31, kahera ng Miranda cmpd., MacArthur Highway, Malinta habang nakatakas ang kasamang nakilala lang sa alyas na Irene.

Sa ulat, alas-8:30 ng gabi, dinalaw ng biktima ang dating nobyang si Martinez na kahera sa Manguiat Clinic sa Feliza Building sa Santiago St., Malinta ng lungsod. Habang naghihintay sa loob ay nilapitan ng mga suspek ang biktima bago sinabuyan ng asido sa mukha bago pagpapaluin ng tubo sa ulo kung saan kahit sugatan ay nagawang makaalpas at makatakbo si Rodriguez.

Nakahingi ng tulong sa mga barangay tanod ang biktima na nadala sa CGH at nadakip si Martinez habang nakatakas ang kasamang si Irene. Inaalam na ng mga pulis ang dahilan ng nasabing insidente.


Source: remate.com http://www.remate.ph/2014/03/binata-sinabuyan-ng-asido-sa-mukha-ng-ex-gf/#.UyAGwvmSx8E

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>