latest Post

Heart Evangelista, gustong maging Mrs. Escudero

Sigurado na raw ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na ang boyfriend niyang si Senador Chiz Escudero ang lalaking nais niyang makasama sa habambuhay.

Sa "Starbites" ng GMA News TV's "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing nakikita raw ni Heart ang sarili bilang si Mrs. Escudero.

Patunay nga raw sa kanilang pag-iibigan ang nakatakda nilang bakasyon sa Paris, France sa June o July.


Sabi ni Heart, magbabakasyon lang siya sa Paris kasama ang lalaking makakatuluyan niya.

"That's why we're going to Paris, 'yon kasi yung sukatan ko. 'Pag nag-Paris na kami, ibig sabihin ito na 'yon," anang aktres.

Pero paglilinaw ni Heart, wala pa silang balak ng nobyo na magpakasal sa Paris. -- GMA News

If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>