latest Post

Lotlot Inisnab si Julie Anne?


Inisnab daw ni Lotlot de Leon si Julie Anne San Jose sa isang event. ‘Yan ang nabalitaan naming chika lately. Eh,bakit naman inisnab ni Lotlot ang dalaga? Siyempre, imbiyerna raw ito dahil sa kanyang anak na si Janine Gutierrez.

Da who si Janine? Siya ang leading lady ni Elmo Magalona sa isang afternoon soap sa GMA. Si Julie Anne dati ang leading lady at madalas na kapartner ni Elmo sa mga production numbers niya until pinaghiwalay sila ng executives ng Siyete.

Kasi naman, kahit na strongly identified kay Julie Anne ay ibang babae naman ang tipo ni Elmo. Si Lauren Young nga ang sinasabing girlfriend ni Elmo. Maraming beses silang na-sight na magkasama, sa school, sa gimikan at walang umamin sa kanilang relasyon. Nang ipartner si Elmo kay Janine, biglang nawala sa eksena si Lauren. Wala nang balita sa kanilang dalawa ni Elmo. ‘Yun pala, niluluto na ang loveteam nina Elmo at Janine at pilit itong pinu-push ng GMA for wanting to topple siguro the enormous popularity of ABS-CBN’s hottest loveteam, KathNiel or Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

From being sweet, ngayon ay tila papunta na sa totohanan ang kanilang loveteam. But there are only few takers. Wala naman talagang naniniwala na in love sila sa isa’t isa. Sinasakyan lang nila ang gimik ng Siyete para merong pag-usapan sa kanilang loveteam. Chemistry nga wala sila, love pa?
True nga ba Lotlot na inisnab mo si Julie Anne?

Ano ba’ng ikinagagalit mo sa dalaga,eh, ang bait-bait naman niya? Threatened ka ba para sa anak mo? Hellloooo! To begin with, ni hindi nga type ni Julie Anne si Elmo, ‘no! Kaya tama lang na paghiwalayin sila!-- Report from Bandera

If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>