latest Post

Marian Rivera sets new Record?

Ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera muli ang cover ng Mens magazine na FHM ngayong March. Nag cecelebrate ang naturang magazine ng kanilang ika 14 years Anniversary ngayong buwan, kaya naman laking tuwa ni Marian na siya ang napili ng Magazine para mag cover sa kanilang 14th Years Anniversary Issue. 

Ayon kay Marian nagpapasalamat sya sa tiwala na ibinibigay sa kanya ng FHM Philippines. Tinawag pa nga ang issue na  ito na  " Best Issue Ever " na pinagbotohan ng mga staff ng magazine. 

May mga balitang sold out na daw ang March Issue ng FHM kaya naman kailangan pang mag reprint ng maraming copies. Ang tanong tuloy ng marami, malampasan kaya ni Marian ang dating record nya noong January 2013 ng una siyang magcover sa magazine. Ayon sa pamunuan ng FHM ang autograph signing ni Marian Rivera noong 2013 ang may pinakamaraming dumalo at nagpa autograph sa lahat ng kanilang nilabas na issue. 

Malay natin? 1st week pa lang ng March sold out na agad ang copies at may tatlong linngo pa para matapos ang buwan? Makagawa kaya ulet si Marian ng panibagong record sa FHM? We'll see sa March 22 sa autograph signing ni Marian Rivera para sa March issue ng FHM magazine sa Resorts World Manila. 

Available ang March 2014 Issue ng FHM sa lahat ng Newsstands, Supermarkets, at Bookstores nationwide.

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>