latest Post

Royette Padilla arrested for alleged gun-firing incident

Arestado ang dating aktor na si Royette Padilla, 52, matapos itong ireklamo ng kapitbahay, sanhi ng diumano’y pagpapaputok ng baril ng aktor.
 
Sa ulat ng Journal Online ngayong araw, March 24, inilahad nina Efren David, 64, at Evelyn Bernardo, 34, sa kanilang sinumpaang salaysay na dalawang beses nagpaputok ng baril si Royette sa labas ng kanilang bahay sa Pasak Street, Redwood Villas, sa Clark, Pampanga.
 
Bunsod nito, sinampahan nila si Royette ng reklamong grave threat at paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
 
Si Royette ay nakatatandang kapatid ng action star na si Robin Padilla, ng aktor na si Rommel Padilla, at ni Rustom Padilla, na ngayon ay kilala bilang BB Gandanghari.
 
 
THE INCIDENT

Ayon kay Bernardo, bandang 5:40 p.m. noong Sabado, March 22, nang bigla siyang kausapin ng kapitbahay na si Royette habang ito ay nasa labas ng kanilang bakuran.
 
Noong mga oras na iyon ay nasa kusina si Bernardo kasama ng dalawa niyang anak na babae, na may edad 8 at 11 taong gulang, at isang kasambahay.
 
Lahad niya, “Parang lasing siya kung magsalita. Ang ginawa ko, hindi ko siya pinansin dahil takot po kaming kausapin siya dahil alam na namin na nagpapaputok ng baril.”
 
Tila ikinagalit ni Royette ang pagsasawalang-bahala sa kanya ni Bernardo kaya bigla umanong nagalit at nagwala ang aktor. - pep.ph

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>