latest Post

Jennica ayaw sa kissing scenes kaya inayawan ng Kapuso

Sunday, April 20, 2014 11:57PM

Naging honest si Jennica Garcia sa pagsagot sa tanong ng ilang entertainment press na dumalaw sa taping nila ng Carmela sa Malolos, Bulacan. Matagal na kasing nasusulat na hindi na ni-renew ng GMA Network ang contract niya sa kanila at ngayon lamang siya nakausap kaya hiningi ang sagot niya.

“Yes po at nalulungkot ako,” at napaiyak na si Jennica. “Seventeen years old pa lamang ako nang mag-start ako sa GMA at seven years na ako rito kaya at home na ako sa mga kasama ko rito kasi nakatrabaho ko na halos lahat ng mga artista at production staff ng network.”

Ano kaya ang dahilan bakit hindi na siya ni-renew ng GMA?

“Siguro po dahil marami akong limitations, ayaw ko po ng kissing scenes at love scenes, ayaw ko ring magpaka-daring sa character na ibinibigay nila sa akin. Talagang hanggang sa acting lamang ako, hindi rin po kasi ako marunong kumanta at sumayaw. Hindi rin ako managed by GMA Artist Center, ang manager ko po si Tito Manny Valera. Wala po naman akong tinatanggihang role, pumayag na nga ako sa mother role and I give my best naman sa roles na ibinibigay nila sa akin.

“Naniniwala naman po ako na may ibang plans sa akin si Lord. May plano po yata si Tito Manny na ilipat ako sa TV5, at makasama na ang boyfriend ko, si Alwyn (Uytingco) pero sabi ko, sabihin na lamang sa akin ng manager ko kapag may final decision na siya, pero gusto ko pa rin na sana kunin ako uli ng GMA.”

Biniro tuloy si Jennica kung totoo na magpapakasal na sila ng long-time boyfriend na si Alwyn, hindi raw totoo, wala pa silang napag-uusapan tungkol doon.

“Mauuna po munang magpakasal sa amin si mama (Jean Garcia).”


Source: Nora Calderon (Pang-Masa) |


 If you like this story. Please share it. Thank you!

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +