latest Post

Kris Aquino admits relationship with Quezon City Mayor Herbert Bautista

                

Inamin na ni Kris Aquino na may namamagitan sa kanila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang Queen of All Media sa pagsisimula ng kanilang palabas ni Boy Abunda ngayong gabi, April 7, at kaagad nilinaw ang matagal nang usap-usapan tungkol sa kanila ni Mayor Herbert.

Matagal-tagal na ring laman ng balita ang pagkakaugnay ni Kris sa isang pulitiko, base na rin sa mga mensaheng ipinu-post ng Kapamilya TV host-actress sa kanyang Instagram account.

Bagamat may mga iba pang pangalan ng pulitiko ang nagsilabasan, naging matunog ang pangalan ng alkalde ng Quezon City.

Lalo pang uminit ang espekulasyon tungkol kina Kris at Mayor Herbert nang mag-post ang TV host-actress ng isang larawan sa Instagram kahapon, April 6.

Dito ay makikita na kasama sa salu-salo ng pamilya Aquino si Mayor Herbert, na nasa kabisera pa nga ng hapag-kainan.

Ang tanging caption dito ni Kris ay “Family dinner.”

Ngunit binura ito ni Kris ngayong araw pagkatapos mag-usisa ng kanyang Instagram followers. - pep.ph

Have something to say about the story? Post it on the comment box.

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +