latest Post

Tom todo paghahanda para sa pagrampang naka-underwear

Wednesday, April 30, 2014 12:07AM

Slim na si Tom Rodriguez nang mag-appear sa presscon ng first movie niya for 2014, ang So It’s You na pinagtatambalan nila ni Carla Abellana for Regal Entertainment, Inc.

Naikuwento ni Tom, nang makausap namin before the presscon na he is playing the role of Gorio Acuyong, a shoemaker. May ka-live in siya, played by Bangs Garcia, pero iniwanan siya at sumama kay Manny Chua, iniwanan sa kanya ang pipi nilang anak, played by Mark Justin Alvarez. Na-meet niya si Lira (Carla) na sa araw ng kasal kay JC de Vera, hindi siya nito sinipot. Si Gorio ang gustong gamitin ni Lira laban sa dating boyfriend.

Kumusta namang katrabaho muli si Carla na sa My Husband’s Lover, they played husband and wife?

“Nag-enjoy kami sa shooting, tawanan la­mang kami nang tawanan,” kuwento ni Tom. “Siguro dahil comfortable na kami ni Carla sa isa’t isa at saka very light ng story nitong So It’s You at masaya ako dahil nakatrabaho ko na rin si Direk Jun Lana. Mayroon nga akong hindi malilimutang eksena rito, iyong swimming pool scene ko na naka-trunks lamang ako. Hindi ko in-expect na may ganoong eksena pero hindi ako tumanggi nang sabihin sa akin ni Direk Jun na kukunan na ang eksenang iyon. Hindi kasi ako handa dahil medyo nag-add ako ng weight nang magbakasyon ako sa amin sa States, kain ako nang kain, kahit chocolates hindi ko pinatawad.

“Kaya nang kunan ang eksenang iyon, sabi ko sa sarili ko, bahala na, nag-stomach-in na lamang ako at pigil ako sa paghinga ko. Mabuti naman at one take lamang iyon at nakapasa naman kay Direk Jun. But now, nagsimula na akong mag-gym para mag-trim down. Pinaghahandaan ko na ang Bench fashion show sa September, na rarampa kami in our underwear.”

Pinalinaw din kay Tom ang mga intriga tungkol sa kanila ni Carla, tulad nang minsan daw nalasing si Carla sa isang bar, siya ang tinawagan nito at totoo bang dahil single na rin siya ngayon, may possibility na maging sila na?

“Hindi po iyon totoo, walang ganoong nangyari. Kung mayroon pong balak na i-link kami ni Carla sa isa’t isa, dahil pareho raw kaming single para i-promote ang movie, ayaw naming pilitin. Based po sa trailer, parang the movie can stand on its own merits at hindi na kailangan ang gimmick. Yes, hindi natin alam, possible namang mangyari sa amin ni Carla, pero hindi naman ngayon. Kami kasi ni Kaye (K-La Rivera), mutual decision namin na mag-focus muna sa aming mga career. Maraming blessings na dumarating sa amin pareho, siya, she signed up with GMA Network at ako naman, may mga bago nang projects na ginagawa ngayon.

“I’ve started taping for Niño sa GMA 7 na gaganap kaming mag-ama ni Niño (si Miguel Tanfelix), pero hindi kami magkakasama sa eksena dahil bata pa siya nang mawala na ako sa story, special participation lamang ako. Hindi ko pa pwedeng sabihin kung ano ang role ko sa Niño.

“Mayroon din daw akong gagawing bagong soap, sabi ng manager ko (si Popoy Caritativo) na magsisimula raw mag-taping sa May. Hindi ko rin sure kung magkasama kami ni Dennis (Trillo) dahil ang alam ko may ibang soap siyang gagawin, plus busy din si Dennis sa shooting ng indie film na The Janitor for Cinemalaya,” lahad ni Tom.


If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>