latest Post

Alessandra deRossi excited sa bagong trabaho sa Kapuso Network

Wednesday, May 14, 2014 0:31
                 
Excited si Alessandra de Rossi @msderossi sa bagong trabaho bilang isa sa hosts ng Basta Every Day Happy na nagsimula na kahapon. At least daw, mapapanood siya ng tao na hindi kontrabida, hindi nang-aaway at hindi laging galit.

Bilang host, hindi na puro negative vibes ang makukuha sa kanya. Ang gusto nito bilang host ay magturo ng magandang asal, magbigay ng sound advise at makapag-share ng wisdom sa viewers. Gusto rin niyang matuto bilang host, kaya masaya siyang mapabilang sa BEH.

Dahil sa BEH at sa Ang Dalawang Mrs. Real, ang primetime soap na airing na sa June 2, hindi muna itutuloy ni Alex ang balak na pagreretiro sa showbis.

Kuwento ni Alex, kinausap niya ang GMA-7 at ipinarating ang gustong mangyari sa career. Na gusto niyang i-try ang ibang role at ibinigay naman sa kanya.

Mula sa pagiging kontrabida, best friend ng mga bida na ang role niya at sa Ang Dalawang Mrs. Real, ex ni Dingdong Dantes na naging bestfriend ni Maricel Soriano ang role niya. Pero patuloy na nagwi-wish na in her future projects, bigyan siya ng mga challenging role.

Discuss more in the comment section. Like this story? Share it! 

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>