latest Post

Paglipat ng bahay nina Ryzza muntik pang mabulilyaso

Monday, May 12, 2014 0:24
            

Isang townhouse sa bandang Mindanao Avenue, QC, ang napili ng ina ni Ryzza Mae Dizon na bilhin para sa kanilang pamilya. Kung tama ang aming dinig, almost P10M ang halaga ng bahay at lupa.

Ipinakita sa Eat Bulaga ang ilang bahagi ng townhouse na uuwian na ni Ryzza. Mula ito sa kanyang naipong kita sa Bulaga, The Ryzza Mae Show, commercials at TV shows maging sa iba pang trabaho. Pinasalamatan niya ang producers ng Bulaga at talk show pati na si Vic Sotto.

Ang alam namin, nagbigay rin si Kris Aquino ng dagdag sa pambayad ng bahay bilang bonus sa movie na My Little Bossings. Hindi nga lang siya nabanggit ng bagets.

Ang dinig namin, muntik na namang makalimutan ng ina na magbayad sa townhouse. Nagkaroon daw siya ng memory gap sa deadline ng pagbabayad sa paunang installment ng bahay. Nalimutan niyang magdala ng tsekeng pambayad sa may-ari.

Eh, mabuti na lang at pumayag ang may-ari ng townhouse na ma-delay ang pagbibigay ng paunang bayad. So, nakalipat na ang mag-iina sa pinangarap na bahay para sa kanila ni Ryzza Mae, huh! —PangMasa

Discuss more in the comment section. Like this story? Share it! 

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>