latest Post

Angel Locsin, gaganap muling Darna sa Pelikula

Sunday, 29 June 2014 | 0:20


Napaiyak si Angel Locsin nang alalahanin niya kung paano siya natulungan ng Darna noong ginampanan niya ang nasabing karakter noong 2005. 

“Yes, puwede ko na siguro sabihin. It’s official. Nasa akin na ulit ang bato. I’m very excited. Ang laki ng respeto ko kay Darna.”

Ito ang pahayag ni Angel Locsin pagkatapos ng ginanap na story pitching para sa pelikulang Darnasa ilalim ng Star Cinema. 

OVERJOYED. Sa panayam ng media at ABS-CBN reporters, noong June 26, napaluha si Angel sa sobrang tuwa, dahil muli niyang magagampanan ang komiks superhero na una niyang ginawa sa GMA Network noong 2005.

Iningatan daw niya ng husto ang pagganap bilang Darna, at kahit pagkatapos ng naturang teleserye ay nanatiling malapit sa puso niya ito. 

“Nagpapasalamat ako sa pamilya ng Ravelos for trusting me again especially sa pinakamamahal ko na Star Cinema at ABS-CBN.

“Hindi ko akalain na magagbabalik ulit ako. Naiiyak naman ako. Emosyunal naman ako dito.

“Pero maraming salamat kasi ang laking part ng career ko ‘to.

“Parang, pasasalamat ko na rin sa mga tao dahil dito nag-boom yung career ko.

“Tapos nakilala ako, nagkaroon ako ng magandang trabaho.

“Nabubuhay ko ng kumportable yung pamilya ko. So, pasasalamat ko talaga,” maluha-luhang saad ni Angel.

Ayon pa kay Angel, kagabi lang niya nalaman na pinapatawag siya ng Star Cinema para sa isang story pitching para sa pelikulang Darna.

Agad daw niyang pina-clear ang kanyang schedule at bigla siyang napa-workout bilang paghahanda sa sexy costume ng naturang role.

“Ay! Nag-work out ako nung nalaman ko. Kasi siyempre may bago kang ipapakita.

“Tapos na kasi yung mga ibang roles na ginawa ko. It’s about time na mag-prepare ako para rito.

“Kasi weird naman kung medyo bato-bato yung [hitsura ng katawan] ko sa The Legal Wife bilang nanay ang role ko na walang time sa sarili masyado,” natatawang kuwento ng 29-year-old aktres.

Mayroon pang kulang-kulang isang taon para paghahandaan ni Angel ang naturang role dahil sa 2015 pa nakatakdang ipalabas ng Star Cinema ang Darna

BIG BUDGET. Base sa naganap na pakikipag-meeting niya sa top executives at creative team ng Star Cinema, ipinagmalaki ni Angel na pagkakagastusan ng husto ang special effects at iba pang aspeto ng pelikula. 

“Lagi nila sinasabi ‘pag fantasy movie, medyo nahihirapan tayo sa budget at effects. Pero dito all in talaga.”

Malaki rin ang tiwala ni Angel sa mga bigating pangalan ang makakatrabaho niya kabilang na si Direk Erik Matti at Dondon Monteverde ng Reality Entertainment.

“He’s the best pagdating dito sa mga fantasy movies. May special effects talaga. Si Kuya Don, si Direk Erik Matti… I’m just so happy na sila yung nalagay sa proyektong ito.

“Nakita n’yo naman yung ibang pelikula nila, as in mapapapangaga ka talaga.

“Pero sinasabi nila, ‘Ay, wala pa ‘yan. Wait and see. Ito yung mga gagawin namin.’

“Kinukuwento pa lang nila parang nalulula na ako.

“Dream come true for me talaga na meron na tayong ganitong kagandang technology para sa mga ganitong klaseng project, yung mga lipad-lipad.” - pep.ph

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>