latest Post

Marian Rivera nagpakita ng galing sa Dance Floor

Monday, 23 June, 2014 | 14:07

Inabangan nitong Sabado ang pinakabagong show ng Primetime Queen na si Marian Rivera sa GMA network ang "Marian". 

   

Sa kanyang Pilot Episode bigating artista angt kanyang nakasabay na sumayaw. isa na dito ang Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano at ang ngayoy Batangas Gov. at Star for All Season na si Vilma Santos.

Sa interview ni Marian sa kanyang mga guest makikita kung gaano sya ka close kina Ate Vi at Maricel. Nagpayo pa si Ate Vi sa kanya na ipagpatuloy lang nya kung anong meron sya na ugali ngayon. Ayon kay Ate Vi dapat lang na naging masungit sya lalo na at tama naman daw ang kanyang pinaglalaban.At sa huli sabi ni Ate Vi kay Marian "See you on the Wedding" sabay tawa ulet.

Habang nag pa plug naman si Ms. Maricel ng kanyang show na Ang Dalawang Mrs. Real nagbiro naman si Marian na kung pwede eh maging Ang Tatlong Mrs. Real sabay bigla trawa nilang dalawa. 

Syempre kasama din ni Marian sa show si  Paolo Ballesteros na buhay na buhay ang pagiging komedyante at pag ho host. Di nga nagkamali ang GMA Network na gawing co host si Paolo sa "Marian". 

At sa ending ng show nagtrending lang naman ito Nationwide at Worldwide patunay lang ang walang sawang pagsuporta ng mga fans sa kanilang idolo na si Marian Rivera.

 Mapapanuod ang Marian sa Sabado Star Power sa Gabi ng GMA pagkatapos ng Pepito Manaloto.

  If you like this story. Please share it. Thank you!

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +