Screengrab from youtube
Isang tatlong taong gulang na bata ang nakatakda sanang ilibing nitong Sabado, July 12, 2014 sa Zamboanga del Sur ng biglang magkaroon ng malay at bumangon ang bata habang nakahiga sa kabaong. Ayon sa nag post ng video dinala ng pamilya ang labi ng bata sa simbahan sa Aurora Zamboanga del Sur upang bigyan ng huling basbas ang bata bago ilibing subalit nagulat ang lahat ng bigla na lang nagkamalay ang bata. Ayon din sa nagpost ng video mahigit 24 oras na daw na walang malay tao ang bata kaya nagpasya na ang pamilya na ilibing ang bata.
Ano sa palagay nyo ang tunay na nangyari sa bata? Isa kaya itong himala o isang isa lamang pagkakamali mula sa pamilya?
Sa ngayon hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang pamilya ng biktima. Hinihintay pa din namin ang magiging pahayag nila upang maibigay ang totoong nangyari sa bata.
Original uploader of video: Catherine Romanasco https://www.facebook.com/photo.php?v=797328356967304
UPDATE: Matapos makita na gumalaw si Diane (pangalan ng bata sa viral video) mula sa kanyang kinalalagyan mabilis siyang kinuha ng kanyang grandfather at dinala sa ospital kung saan siya unang ipinagamot. Dahil sa nangyari sinuri agad si Diane ng mga doctor at kinumpirma ng mga doctor na sumuri kay Diane na wala na nga siyang buhay.
Sa ngayon inuwi na ng mga magulang ang bata sa kanilang bahay at gagawin daw nila ay patingnan si Diane sa isang albularyo. Sa isang panayam sa ina ni Diane na si Wena Romarate isinalaysay nya na mahigit isang linggo ng may sakit si Diane at noong July 10 ay binawian nga ng buhay sa sakit na Bronchial Pneumonia.
Matapos masuri si Diane sa ospital, sinuri din siya ni Dr. Mary Silyne Asor-Cabahug, ang Municipal Health Officer in Aurora. Gamit ang cardio monitor, kinumpirma ni Dr. Silyne na patay na nga si Diane.
“The baby has no heartbeat. Flatline. The baby has no life”.
Pinayuhan ng mga doctor ang mga magulang ni Diane na ilibing na daw ang mga labi ni Diane sa lalong madaling panahon. Ayon naman sa ilang reports na lumabas, nagplani na ang pamilya ni Diane na ilibing na siya ngayong linggo.
0 comments:
Post a Comment