latest Post

Alden Richards excited to portray Jose Rizal in historical primetime series Ilustrado

Monday, 21 July 2014 | 17:54  by Ruben Marasigan


Si Alden Richards ang bida sa kauna-unahang historical primetime series ng GMA Network na Ilustrado, at excited na ang Kapuso heartthrob habang naghahanda para rito.

 Saad niya, “This is something new for me. "Kasi first time ko pong gagawa ng isang project na meron akong ipu-portray na isang national hero. “Yung series po na gagawin ko is about buhay ni Jose Rizal. Mula sa kanyang childhood hanggang sa mag-aral siya sa Europe.

 “So, mahirap po. Hindi biro. “Marami pong ibinigay sa akin na mga kailangang panoorin na films. Isa na po yung ginawa ni Kuya Buboy [Cesar Montano] na Jose Rizal, ipinapanood po sa akin 'yon. 
“'Tapos a few documentaries po na ibinigay din ng GMA News TV. “October pa ang airing nito. Pero we’re gonna start shooting na this end of July.” 


About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +