latest Post

Marian ayaw tantanan ng mga bitter

Thursday, 4 July, 2014 | 0:19


Aktres si Marian Rivera at hindi host kaya naman hindi siya nagta-trying hard na magsalita ng straight English tuwing maghu-host siya sa dance musical niyang Marian ng GMA 
7. Taal na Kabitenya si Yan Yan kaya naman malalim ang Tagalog na nabibitiwan minsan sa programa.

Pinuproblema kasi ito ng ilang bumabatikos sa hosting ni Marian eh pakialam ba nila kung doon siya komportable, ‘no? Hindi naman lahat ng artista ay magaling mag-Ingles pero sumikat din sila!

Hindi man fluent sa English ang aktres, sikat naman siya, ‘no? Primetime Queen siya’t marami pang endorsements!

Eh pagdating naman sa dance show niya, aba, two weeks pa lang ito umeere. Husgahan ba na luma ang sayaw na pinakikita? Sobra naman kayong judgmental.

Aba, hindi naman ganoon kadaling gumawa ng dance show. Isasaalang-alang mo rin ang mga guest kung puwedeng sumayaw at may araw para sa rehersals. Kaya naman ang staff, nagkakandumahog upang kausapin ang personal ang guests upang maglaan ng oras kung gusto nilang maging guest.

At least, sabihin mang luma sa paningin ng mga bitteer ang show, pinapanood naman ito ng tao, huh! Hindi gaya ng ibang shows na magaling mang magsalita ng English ang mga hosts, wala namang nanonood, huh!

Hay naku, may mga taong ayaw talaga nilang makitang masaya si Marian. Walang bitterness kay Yan Yan at lahat ng oras ay ibinibigay niyang gumanda ang show at maraming taong sumaya, ‘no?

Waley ding puwang ang mga negativity sa kanya kaya huwag siyang batikusin, ‘no? —
Jun Nardo

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +