latest Post

'Preggy' pic ni Louise Delos Reyes sa Instagram post, naging usap-usapan

July 8, 2014 | 21:34

Isang litrato ni Louise Delos Reyes sa Instagram ang nakatawag ng pansin sa kaniyang mga follower at mabilis na kumalat ang katanungan kung buntis nga ba ang Kapuso young star.
 
Sa ulat ni Cata Tibayan sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Martes, ipinaliwanag ni Louise kung bakit malaki ang kaniyang tiyan sa larawan.

"Buntis ako. Buntis po ako sa Magpakailanman," paliwanag ng aktres patungkol sa Kapuso show na hosted by Mel Tiangco.

"Pupunta ako sa standby area, pina-practice ko kung paano talaga maglakad as buntis na alam mo yung minsan sabi ko, 'ang sakit pala sa balakang,'" anang aktres.

 
Kahit hindi siya nagpapaapekto sa tsismis, aminado siyang bumilog daw ang kanyang mukha at nadagdagan ang timbang pagkatapos ng kaniyang seryeng Kambal Sirena.

"'Pag payat anorexic, hindi ba pwedeng naka-diet?. Kapag tumaba buntis agad, 'di ba pwede lumakas lang sa pagkain," natatawa niyang katwiran.
 
Sa episode ng Magpakailanman na mapapanood sa darating na Sabado, gaganap si Louise bilang si Kim na napariwara ang buhay matapos mawalay sa kanyang mga magulang.

Lumaking walang itinuturing na ama kaya naman umibig siya sa isang lalaking doble ng kanyang edad na ginampanan ni Ricky Davao.

Pero walang kaalam-alam ang karakter ni Louise na ama pala niya ang kaniyang nakarelasyon.

Panoorin ang buong kwento ni Kim na gagampanan ni Louise sa Magpakilanman sa Sabado. -- FRJimenez, GMA News

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +