latest Post

Vice Ganda on fake viral feeds hinting at Vic Sotto slam: “It's a hoax.”

 Monday, 7 July, 2014 | 0:20 By Melba R. Llanera 



Ilang beses nang lumabas sa Facebook ang link na: “Vice Ganda Tinawag Na Laos si Vic Sotto,” at sinundan din ito ng: “Vic Sotto Minura si Vice Ganda.”

 Dahil sa kontrobersyal na pahayag na ito, marami ang naintriga at lumikha ito ng ingay lalo na nang naging viral at tuluyan nang kumalat ang mga nasabing links sa social media. Ngunit marami rin ang nadismaya nang hindi nila mabuksan ang mga kontrobersyal na links, na sa simula pa lang ay kaduda-duda naman talaga ang pahayag at intensyon. Sa huli, lumalabas na hoax lamang ang mga ito na ang motibo, bukod sa umagaw ng atensyon, ay maaaring gawan ng isyu ang panig ng dalawang sikat na komedyante. 

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Vice noong nakaraang Miyerkules sa set ng Showtime, kinumpirma nito na hoax nga lang talaga ang mga nagkalat na links.

 Paglinaw ni Vice, “It’s a hoax. “Dalawang bersyon ‘yan... “Ang unang lumabas sa FB, 'Vice Ganda Sinabihan si Bossing na Laos na.' “Nakarating sa amin yun pero pag clinick mo yun, 'di siya nao-open. 

“Tapos yung pangalawa naman, 'Vic Sotto Pinagmumura si Vice Ganda,' na pag clinick mo rin ay walang lalabas. “Parang sa text dati, may kumalat na link na pag binuksan mo, may nakalagay, sex video nila Cristine and Rayver 'tapos wala naman. Gawa-gawa lang ng mga praning.”

 Para sa TV host/comedian, hindi raw niya kayang kontrolin ang mga taong gumagawa ng ganito at imposibleng gawin niya ito kay Vic Sotto dahil sa mataas na respeto niya dito bilang isang comedy icon. 

“'Di ko naman sila makokontrol kasi trip nila yun, 'di ko alam kung ano ang trip nila. “Ang importante nandun at namumutawi ang paggalang sa taong yun kaya naman makaaasa tayong lahat din na... tingnan mo, walang nag-react sa parehong kampo kasi kahit papaano naman alam namin kung ano ang nangyayari sa paligid namin. “Nung tinanong ako kung totoo bang ginawa ko yun, ang sabi ko, 'Napakaimposible, Vic Sotto is an icon.

"'He’s a comedy icon. As a comedian na nagsisimula pa lang, he’s my icon, alangan namang ganunin ko yung icon ko!'

 “Dun din sa video na 'Vic Sotto Pinagmumura si Vice Ganda,' wala naman sa karakter nung tao yun na gawin yung ganun.” 

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>