latest Post

85-anyos na nanay, patay sa pananaga umano ng sariling anak gamit ang samurai

Wednesday, 20 August 2014 | 12:33am


Natagpuan nakahandusay sa kalsada sa Lingayen, Pangasinan ang duguang bangkay ng isang ginang matapos na pagtatagain umano ng sariling anak gamit ang isang samurai o katana.

Ayon sa ulat ni Jasmine Gabriel ng GMA-Dagupan sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Martes, sinabing nagtamo ng mga taga sa ulo at iba't ibang bahagi ng katawan ang 85-anyos na biktimang si Librada Castro.
 
Nakuha rin sa crime scene ang katana o ang espadang ginamit umano ng suspek sa pagpatay sa kanyang ina.  Nabali pa ang hawakan nito dahil sa tindi ng pagkakataga sa biktima.

 
"Dahil sa kalasingan, ginigising siguro ni Eusebio (ang ina). Nainis yung mother tapos nagkaroon na sila ng palitan ng salita. Kinuha bigla ni Eusebio yung itak, nung initak niya siyempre tumakbo si nanay siyempre nasaktan tumakbo... naabutan pa rin sa kalsada, ayun patuloy na inano ng samurai," salaysay ni P/Insp. Carlos Caoi ng Lingayen Police.
 
Nakuha sa crime scene ang espadang ginamit ng suspek na bali na ang hawakan.
 
Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Eusebio Castro, 57-anyos, pero tumanggi siyang magbigay ng pahayag hinggil sa krimen.
 
Sa Manaoag, Pangasinan, patay ang isang 45-anyos na tricycle driver matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa pulisya, dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo ang nag-abang sa biktimang si Rolando Malagayo sa paglabas nito sa kaniyang bahay at sumakay sa tricycle.

Pero hindi pa nakalalayo ang biktima ay pinagbabaril na siya ng mga tumakas na suspek.

Hinihinala ng mga pulis na may kinalaman sa negosyong pautang ng biktima ang krimen. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +