latest Post

Dabarkads, nag-alala sa kalagayan ni Paolo Ballesteros

By CJ Mendoza | GMANetwork.com

Kahapon, bandang alas-9 ng gabi, nag-post si Paolo sa Instagram ng kanyang litrato sa ospital. Pinakita rin niya ang kanyang kamay na may nakakabit na dextrose. 

Tuesday, September 16, 2014 | 10:38pm

      Photos from Instagram of Paolo B. and Marian R.

Idinaan ng Eat Bulaga Dabarkads sa biro ang balita tungkol sa pagkaka-confine ng kanilang co-host na si Paolo Ballesteros sa ospital.

Kahapon, bandang alas-9 ng gabi, nag-post si Paolo sa Instagram ng kanyang litrato sa ospital. Pinakita rin niya ang kanyang kamay na may nakakabit na dextrose. Na-ospital si Paolo dahil sa transient ischemic attack (TIA) o “mini-stroke.”

Kaya naman pagpasok ng Juan For All, All For Juan segment kanina sa Eat Bulaga ay napag-usapan ng hosts kung bakit wala si Paolo.

Biro ni Jose Manalo, may pageant daw ang 31-year-old host.

Kwento naman ng Primetime Queen na si Marian Rivera, tinext n’ya raw si Paolo at ang sagot ng binata sa kanya ay, “Ha ha ha baka buntis akesh.”

Nagpasalamat naman si Vic Sotto sa mga fans na nag-alala para kay Paolo. Ayon kay Bossing, “Sa ngayon po ay nag-a-undergo pa siya ng mga lab test para siguradong ligtas s’ya.  Sa mga fans ni Paolo, wag po kayong mag-alala, OK po si Paolo. Wala pong dapat alalahanin.”

Sa social media naman ay libu-libong fans ng nagpaabot ng kanilang “get well soon” messages sa kanilang idolo. Ilan lamang ito sa mga mensahe na ipinost sa Facebook page ng GMA Network. 


Patunay lamang ito na maraming nagmamahal sa ating Kapuso na nagpapasaya sa ating araw-araw sa Eat Bulaga. Get well soon, Paolo! 

   Photo from EB Facebook page

Source: http://www.gmanetwork.com/community/articles/2014-09-16/1514/Dabarkads-nag-alala-para-kay-Paolo-Ballesteros#sthash.Q6v3dfa8.dpuf

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>