latest Post

Ina ni Cherry Pie Picache natagpuang patay sa sariling bahay

Saturday, September 20, 2014 | 12:09am


Natagpuan walang malay at may saksak sa loob ng kaniyang bahay ang ina ng aktress na si Cherry Pie Picache sa bahay nito sa Barangay Paligsahan Quezon City nitong Biyernes.

Ayon sa report pagnanakaw ang tinitingnan na anggulo ng mga awtoridad sa pagpatay kay Gng. Zenaida Sison, 75-anyos.

Ayon sa inpormasyon na nagmula sa kaibigan ni Cherry Pie na si Petet Serrano, tinatawagan daw ng aktress ang kanyang ina ngunit hindi ito sumasagot ng telepono.

Kaya naman sinadya na ng aktress na puntahan ang ina dakong 6:00 ng gabi.

Salaysay naman ng kapatid ni Cherry Pie na nakabukas daw ang pinto ng bahay ng madiskubre nila ang labi ng ina.

Huling binisita daw ni Cherry Pie ang ina nitong niyeat sinabihan na palaging isara ang pinto dahil mag isa lang ito sa bahay.

Nanawagan si Herrera sa sinuman sa makakapag bigay ng impormasyon upang madaling mahuli ang salarin.

Source GMA News

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>