latest Post

Martin Del Rosario signs exclusive contract with GMA Network

Wednesday, September 3, 2014 | 1:16am

      Photo by GMANetwork.com

Matapos ang mahabang paghihintay pumirma na kahapon, September 2, 2014 ng exclusive contract sa Kapuso Network si Martin del Rosario.

Present sa contract signing event ay sina GMA Entertainment TV's Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, GMA Artist Center's Simoun Ferrer, and Martin's manager, Mr. Arnold Vegafria.

Huling lumabas si Martin sa programang Rhodora X at Magpakailanman.

"Masaya po, matagal ko ng hinihintay ito," sabi niya.

"Actually, matagal na po ako g naka transfer ng GMA pero mgayon talagang formal na. Official na, part na po ako ng Kapuso GMA." Dagdag pa niya.

Career Growth ang sinasabing dahlilan ng paglipat ni Martin sa Kapuso Network mula sa bakuran ng Kapamilya Network.

"Siguro kaya po ako lumipat dahil gusto ko po ng career advancement. Sana mabigyan po ako bg lead shows. Magagawa ko na po 'yung makakaya ko para maging deserving ako dito," pahayag niya.

Na discuss na din ang mga shows na gagawin ni Martin sa Kapuso Network at ayon sa kanya "Excited na po ako. Tuloy na tuloy na po yun, hinihintay ko lang po yung ho signal."

Inisa isa naman ni Martin ang mga Kapuso leading ladies na gusto nyang makatrabaho ngayong opisyal na siyang Kapuso.

"Actually marami akong gustong makatrabaho. Gusto ko nga sana si Lovi, magaling siya. Nagagalingan ako sa kanyang umarte. Si Heart. Si Lauren din. Friend ko yun dati pa. Sina Bela, yan ka batch ko rin kasi. Sina Max Collins, lahat yun. Parang reunion nga noong nagkita kame rito sa GMA," pahayag nya. 

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>