latest Post

Kuya Germs nagbigay ng pahayag sa balitang ang Show ni Willie ang ipapalit sa "Walang Tulugan"

Monday, October 6, 2014 | 11:34pm 


Mainit na bali-balita ngayon sa mga social media na GMA7 ang susunod na magiging tahanan ng TV Host na si Willie Revillame. May mga lumabas na balita na ang show daw nito ang papalit sa programang "Walang Tulugan" ni Kuya Germs. Nagbigay naman ng pahayag ang Master Showman tungkol dito. 

Mabilis niyang sagot, “Ay, hindi naman. Imposible yung ganoong oras na hatinggabi, 'no?”
 
Naalarama ba siya nung lumabas ang ganoong balita?
 
“No, no, no. Let’s wait and see because Willie is Willie, okay?
 
Natanong din si Kuya Germs kung Confirmed na ba ang show ni Willie sa GMA-7 at ang kanyang sagot ay: 
 
“I don’t know. I’m sorry, wala akong alam kung anuman ang nagyayari, kung anuman ang pagpaplano. Basta ang sa akin lang, e, kung dumating, e, di okey, i-welcome. Wala naman akong ano diyan.”
 
Nabalita rin na ilalagay ang show ni Willie as pre-programming ng Sunday All Stars. Totoo ba?
 
“E, di kung ganoon din, di go, go, go!” Saad ni  Kuya Germs. 


Photo by: http://amazingnews.ph/wp-content/uploads/2014/06/willie-revillame-gave-german-moreno-money.png
 

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +