latest Post

Kris, NAPATILI sa halik ni Dennis

Monday, December 1, 2014 | 1:30pm
Published By: Allan Diones | ABANTE TONITE





ANG sexy underwear shot ni Dennis Trillo para sa Holiday 2014 campaign ng Bench Body ang na-picture namin doon sa tsika ni Kris Bernal na minsan ay walang keber na nagpapalit ng damit sa harapan niya si Dennis sa taping nila ng #HiramNaAlaala.

Base sa kinikilig na tsika ni Kris, nu’ng kunan ang love scene nila ni Dennis sa nasabing primetime Kapuso drama ay bigla na lang nagbihis sa harapan niya si Dennis.

As in naka briefs lang ito at parang hindi man lang naisip na nandu’n siya.

Kaya ang ginawa ng nahiyang si Kris ay tinakpan na lang niya ang kanyang mga mata… pero may butas, para makita pa rin niya! Ha! Ha! Ha!

Kunsabagay, nagawa na kasing rumampa ni Dennis sa harap ng napakaraming tao sa MOA Arena nang naka-underwear lang at bakat na bakat ang kanyang bukol (na walang padding, huh!), kaya siguro kampante itong maghubad sa set kahit sa harapan pa ng kanyang leading lady.

At sa ganda ng katawan ngayon ni Dennis ay wala siyang dapat ikahiya at itago, kaya kaswalero siyang mag-briefs lang kahit alam niyang nakatingin si Kris.

O baka naman type niya talagang ipakita kay Kris ang bagong design ng Bench Body underwear na ineendorso niya? Ha! Ha! Ha!

Dahil sa pagtatambal nila sa Hiram Na Alaala ay obvious na lalong tumindi ang crush ni Kris kay Dennis.
Hindi maitago ni Kris ang kilig nang matsika ito ng press sa set ng Kapuso teledrama.

Aminado ang dalaga na hot si Dennis at bet niya ang pagiging tahimik nito.

Kapag may kissing scene o love scene sila ay napapangiti at napapatili si Kris pagkatapos ng eksena.

Ganu’n kalakas ang dating sa kanya ni Dennis, na kilala sa pagi­ging lapitin ng mga babae.

Kaya gusto ni Kris na lagi siyang handa at lagi siyang mabango lalo na ‘pag may intimate scenes sila ni Dennis.

Happy siya na nag-improve na ang working relationship nilang dalawa at textmates na sila.

Aminado si Kris na tunaw na tunaw siya kapag tinititigan siya nang malagkit ni Dennis.

May pa-girl na hirit pa si Kris na si Dennis daw ang ‘inspirasyon’ niya ngayon. At hindi isyu sa kanya kahit 7 years ang age gap nila.


If you like this story. Please share it. Thank you!

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>