latest Post

Isang OFW nakunan ng mahigit ₱200,000 ng ka chat nyang lalaki sa facebook

Wednesday, March 11, 2015


Isang OFW mula sa Saudi Arabia ang agad na umuwi sa Pilipinas matapos nitong mapag alaman na ang ka chat pala nya sa facebook ay hindi tunay na babae.

Sa ulat na mula sa GMA News sinabing nagkasa ng entrapment operation ang pulisya sa Sta. Cruz, Ilocos Sur matapos humingi ng tulong ang 28-anyos na OFW na mula sa KSA.

Kuwento ng biktima, nakilala niya ang lalaking suspek sa Facebook na unang nagpakilala bilang babae na si "Andrea."

Nagkamabutihan ang dalawa at dumating sa puntong nagpapadala na ang OFW ng pera sa suspek na umabot daw ng hanggang P200,000.

Pero nitong buwan ng Pebrero, ilang beses daw niyang niyaya ang suspek na makipag-video chat pero lagi itong tumatanggi. Dito na siya nagduda at nagpasyang umuwi ng Pipinas para makilala nang personal ang chatmate na si "Andrea."

Ngunit nang magsiyasat, nalaman ng OFW na lalaki nga ang kaniyang ka-chat kaya humingi na ito ng tulong sa pulisya at nadakip ang suspek na si Christopher Javanillo.

"Nagawa ko 'yon siyempre sa luho tapos mahilig kasi akong mag-tour," ayon sa suspek.

Sinampahan ng reklamong estafa ang suspek pero iuurong daw ng biktima ang reklamo kung ibabalik nito ang nakuha niyang pera.

More from: http://www.gmanetwork.com/news/story/450225/ulatfilipino/ilocos/lalaking-nagpanggap-na-babae-sa-fb-dinakip-matapos-ireklamo-ng-ka-chat-niyang-ofw


About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +