latest Post

Jam Sebastian's final message to loved ones before passing away "Oo, Laban"

Wednesday, March 4, 2015
Published by: GMA News

Limang oras bago ianunsyo ng ina ni Jam Sebastian ng JaMich ang pagkamatay ng binata, nai-post pa nito ang isang mensaheng isinulat mismo ng 28-year-old YouTube sensation at fiance ni Mich Liggayu.

"Oo, Laban," umano ang laging sinasabi ni Jam kapag tinatanong kung kaya niya pa bang harapin ang kanyang sakit.

Matatandaang na-diagnose ang binata ng stage 4 lung cancer halos isang taon na ang nakalilipas.

Nitong Miyerkules, March 4, tinanggal na nga sa life support si Jam at opisyal na pumanaw bandang 10:30 ng umaga habang nakaratay sa St. Luke's Medical Center sa Taguig City. 

Mag-ce-celebrate sana ng kanyang ika-29 na kaarawan ang binata sa March 20.

"I'm sure magiging sobrang ganda and happy ng birthday celebration mo sa Heaven. Sana madream kita na ipaalam mo lang samin na masaya ka na and healthy ulit with God. Thank you for everything. No words can explain. Until we meet again," ayon kay Mich sa isang Facebook post ilang sandali lamang bago pumanaw si Jam. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News


About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +