latest Post

TRENDING: Taxi Driver prayer ang hiningi sa mga pasahero imbes na pera para sa asawang may sakit

Saturday, April, 26, 2015


Sa facebook post ni Mina Monina ikinwento nya kung gaano kabait si Mang Lauro Manuel, ang driver ng taxi na nasakyan nya habang papauwi galing sa trabaho, subalit ayon sa kanya may malaki palang problema si Mang Lauro sa kanyang asawa na nasa ospital. Nagpapagaling daw ang kanyang misis dahil pumutok daw ang ugat sa ulo nito.

Pero ayon kay Mina imbes na daw pera ang hingin ni Mang Lauro dasal ang hinihingi nya sa lahat ng mga nagiging pasahero nya na nakakabasa sa kaniyang sulat sa likurang upuan ng minamanehong taxi.

Narito ang buong kwento ni Mina.


Hello share ko lang yung storya ni manong driver. Pauwe na kami galing work ni te natz kaninang 12pm. Pumara kami ng...
Posted by Mina Monina on Wednesday, April 22, 2015

Sana ay wag nating kalimutan na isama sa ating mga panalangin ang asawa ni Mang Lauro Manuel.

If you like this story. Please share it. Thank you!

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +