latest Post

Alden and Maine nag celebrate ng 5th Monthsary kasama ang AlDub nation!

December 17, 2015 | Thursday



Sa studio ng Eat Bulaga sa Broadway Centrum nagcelebrate ang ALDUB ng kanilang ika 5th monthsary.

Limang buwan na simula nang mabuo ang tambalang Alden at Yaya Dub na nabuo sa split screen ng Eat Bulaga.

Sa loob ng limang buwan marami na ngang pagsubok ang dumating sa ALDUB at sa ALDUB Nation kaya naman kanina nag celebrate ang ALDUB ng kanilang monthsary kasama ang buong ALDUB nation.

Isa namang studio audience na ALDUB fans ang nanalo sa Juan for All All For Juan ng Eat Bulaga. Nagbigay naman ng message ang ALDUB sa isa't isa.

Sabi ni Maine kay Alden "Thank you. Thank you sa lahat.

"Thank you sa lahat ng sakripisyo na ginawa mo para sa Kalyeserye.

"Alam mo na yun, hindi ko na iisa-isahin. Sobrang thankful talaga ako.

"As in, totoo, ha, thankful talaga ako na dumating ka sa life ko.

"Kahit kailan, hindi ko makakalimutan yun, sinabi ko naman na sa iyo.

"Talagang itse-cherish ko siya buong buhay ko, kahit anumang mangyari."

Sabi naman ni Alden, "Ang tagal ko na sa industriya, four years. Ang dami nang naging challenges.

"Naniniwala talaga ako na kapag madasalin kang tao, mabuti kang tao, lahat ng ibibigay sa 'yo ng Diyos is kabutihan din.

"Ang nakakatuwa kasi, nabigyan ako ng chance to be part of Eat Bulaga..."

Halos hindi matuloy ni Alden ang kanyang sasabihin dahil naiiyak na siya.
Pero pagpapatuloy niya, "Ako rin, sobrang thankful din ako na dumating ka sa buhay ko, na nakilala kita.

"Kasi, sobrang laking blessing.
"Alam mo, naging blessing ka sa akin at sa maraming tao.
"And for that, nagpapasalamat kaming lahat sa iyo, Meng. Thank you."

Pagkatapos nito ay niyakap ni Alden nang mahigpit si Maine.

What are your thoughts? Sounds off in the comment section below.

 Thank you for reading. If you like this story. Please share it. Thank you!

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +