latest Post

"Gawin muna nila kahit kalahati ng na achieve ng dalawang yan sa industriyang 'to bago ako maniwala. " Direk Wenn Deramas To ALDUB

December 26, 2015 | Saturday

Photo by Pep.ph/Source Pep.ph
Sa huling panayam kay Direk Wenn De Ramas tungkol sa pelikulang Beauty and the Bestie nagpahayag siya ng pagkatuwa sa pagpasok ng ALDUB sa industriya ng pelikula sa bansa.

Nang matanong nga siya tungkol sa tapatang magaganap sa movie niyang Beauty and the Bestie, ang agad niyang sagot

"Ay welcome, pang ilang pelikula na namin to sa film fest? Sinu-sino na ang tumapat, di ba?" sagot niya.

Nang tanungin naman siya tungkol sa maraming nagsasabi na mag na number one ang movie ng ALDUB sa 41st Metro Manila Filmfest.

"Kapag nangyari e di nangyari."

"Pero wag muna nating pangunahan ang hindi pa nagyayari."

"Kasi nung nagyari ang bakbakan ng My Little Bossing yan din naman yung sinabi nila eh."

"Pero nung pagdating sa huling laban, sino pa rin ang nag number one?"

Hindi naman daw kinakabahan ang direktor sa ALDUB dahil katapat ng movie nito ang movie ng phenomenal loveteam ng bansa.

"Mas naniniwala ako na kaya inilagay ang ALDUB dyan ay dahil makakatulong sila sa pelikula."

"But definitely, hindi sila ang magdadala sa pelikula dahil yung Vic Sotto at Ai Ai delas Alas. Gawin
muna nila kahit kalahati ng na achieve ng dalawang yan sa industriyang 'to bago ako maniwala.

What are your thoughts? Sounds off in the comment section below.

 Thank you for reading. If you like this story. Please share it. Thank you!

About Erick Abel

Erick Abel
Recommended Posts × +