latest Post

Cedric Lee accuses ABS-CBN of "one-sided reporting"; says Kapamilya Network is harboring a "rapist"

Pagkatapos ng preliminary investigation kahapon, February 21, kaugnay ng mga reklamong inihain ng aktor na si Vhong Navarro laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at iba pang sangkot sa pambubugbog sa aktor, kaagad na umalis ang grupo nina Cedric at Deniece.
 
Ang mga inihaing reklamo ni Vhong laban sa kanila ay serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail.
 
Ginanap ang preliminary investigation sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ), sa Ermita, Manila.
 
Ngunit bago umalis sa gusali ng DOJ, kinausap ni Cedric ang ilang reporters na magbibigay siya ng statement sa tanggapan ng abugado niyang si Atty. Howard Calleja sa may Tektite Towers, Ortigas, Pasig City.
 
Sumunod ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa reporter ng ABS-CBN News na si Marie Lozano at sa reporter ng TV5 News na si Trish Roque.
 
Humabol naman ang GMA News reporter na si Ivan Mayrina.
 
Pagdating namin sa tanggapan ni Atty. Calleja, nagpasabi si Cedric na magbibigay siya ng pahayag at magpapa-interview siya ngunit hindi sa harap ng camera.
 
Ayaw niya ng taped recording dahil mai-edit lang daw ito.
 
Ang gusto niya ay mapakinggan nang live at buo ang mga pahayag niya sa programa ng radio stations ng tatlong TV networks.
 
Sa pagkakaalam namin, sa dzBB lang ng GMA napakinggan nang live ang mga pahayag ni Cedric, ngunit hindi rin ito natapos.
 
Ni-record ng ABS-CBN at TV5 ang buong interview at nangakong ilalabas nila ito nang buo.
 
Kasama ni Cedric ang isa pa niyang abugado na si Atty. Connie Aquino at ang kapatid niyang si Bernice Lee, isa rin sa mga akusado, ngunit hindi na sila nagsalita.
 
Umabot ng halos 15 minutes ang pagsasalita ni Cedric.
 
Napuputol lamang ito kapag may tinatanong ang reporters ng ABS-CBN, GMA, TV5, at PEP.
 
Umpisa ni Cedric, "Kaya pinatawag ko dito ang tatlong istasyon—ang Channel 2, ang Channel 7, ang 5—para ang lahat na sasabihin ko ay patas nilang ipalalabas at hindi twisted."
 
Pag-amin ng negosyante, “Kasi po, medyo masama po ang loob ko sa Channel 2 ng mga nakaraang araw.
 
"Parang na-trial by publicity ako dahil na-character assassination na ako.
 
"Nag-report sila ng mga kung anu-anong news about me na hindi naman relevant dun sa case."
 
Pagkatapos nito ay inisa-isa ni Cedric ang mga ulat ng ABS-CBN na tinutukoy niya.
 
 
VINA MORALES. Una, ang report na binubugbog diumano niya ang dating karelasyon na si Vina Morales, kung saan mayroong isang anak si Cedric.
 
Dagdag ng negosyante, “The next day, nagbigay ng statement si Vina Morales na hindi totoo, but the damage has been done.
 
"Hindi naman lahat na nakapanood ng news at nakapanood the next day.
 
"So, may mga ilang kababayan tayo na ang tingin, binubugbog ko si Vina."
 
 
PATRICIA JAVIER. Pangalawa, ang pagkontak daw ng ABS-CBN sa dati niya ring karelasyon na si Patricia Javier, na ngayon ay naninirahan na sa Amerika kapiling ang asawa't anak nito.
 
Saad ni Cedric, “Sinubukan din nilang tawagan si Patricia Javier sa States para tingnan kung may sasabihin ding masama sa akin.
 
“Para malaman niyo po, si Patricia ay 100 percent sumusuporta sa akin.
 
"Tumawag pa siya sa akin kagabi [February 20], nag-usap kami ng isang oras.
 
"At puwede niyong i-verify ito sa kanya na sumusuporta siya sa akin."
 
 
BUSINESS TRANSACTIONS. Pagpapatuloy ng negosyante, “Number three, sinabi ng TV Patrol na kasosyo ko lahat ng mga heneral, making me appear so powerful and well-connected.
 
“Yung kinuha po nilang dokumento sa SEC [Securities and Exchange Commission], mga dormant companies na po yun.
 
"Mga na-incorporate yun, pero hindi po naging operational.
 
"In fact, most of it are revoked already.
 
"So, why do they have to appear na mga partners ko ang mga generals?"
 
Ayon pa kay Cedric, “'Tapos pati NBI [National Bureau of Investigation], hawak ko rin daw ang NBI, dahil ako raw ang may hawak ng pinakamalalaking kontrata sa NBI.
 
"Wala namang basehan yun.
 
"What document can they present showing that I owned the contract sa NBI, 'di ba?
 
“'Tapos, sinabi rin nila na meron daw akong kumpanya na napakaliit, under capitalized, pero nakuha ko ang 150-million-dollar contract sa Cebu.
 
"Hindi po totoo yun."
 
Paliwanag niya, “Yung kumpanya ko pong yun, meron pong consortium akong binuo. May dalawang conglomerates from Singapore.
 
"Ang nag-qualify po ay yung consortium, hindi yung kumpanya ko lang.
 
"At hindi rin napirmahan ang kontrata namin dahil na-suspend si [dating Cebu] Governor Gwen Garcia three days before the contract signing."
 
(Nanunungkulan na ngayon si Gwen Garcia bilang kongresista ng third district ng Cebu.)
 
"Pero hindi yun ang ni-report ng Channel 2.
 
"Ang ni-report nila, nakuha ko yung kontrata using a small company.
 
“Ni-report din nila na nanunuhol ako ng mga public officials sa Iloilo, five years ago.
 
"May mga in-interview pa silang mga provincial board members.
 
"Hindi rin po totoo yun.
 
“Kung meron, bakit hindi nila ako kasuhan ng bribery?
 
"Bakit ngayon, lulutang sila bigla? Para lang makisawsaw lang for 15 seconds of fame, ma-TV Patrol?
 
"Hindi po totoo yun."
 
Saad pa niya tungkol dito, "Yung mga provincial board members na yun, sila ang nagpatawag sa akin ng meeting nun dahil meron silang gustong ipatawid na mensahe kay [former] Governor Tupas.
 
"At nang itinawag ko ang mensahe kay Governor Tupas, hindi pumayag si Governor Tupas dahil disadvantageous to the province of Iloilo yung hinihingi nila.
 
"Nung sinabi ko sa kanila, they got rejected, nagalit sila.
 
"Kinabukasan, pinalabas nila, nanunuhol na ako sa kanila."
 
 
EXTORTION. Pagkatapos nito ay sandaling natigil si Cedric at nag-isip.
 
Patuloy niya, “Yung NBI daw, sinasabi nila, napakalakas ko.
 
"Pero the way it appears, yung NBI, ako ang pinag-iinitan, e.
 
“Pinasok nila yung condo unit ni Deniece, ipinapakita wala namang nabasag na gamit.
 
"So, in short, yung sinisingil kong damages kay Vhong, parang nag-e-extort na ako.
 
"Hindi nila minention na after namin sa SPD, bumalik pa kami dun, nilinis pa namin ang mga nasirang gamit at yung mga kalat, 'di ba?
 
"Kaya ngayon, pagbalik nila [NBI operatives] dun, maayos na, 'di ba?"
 
Ang tinutukoy rito ni Cedric ay ang pagpunta ng grupo nila sa Southern Police District upang ipa-blotter si Vhong dahil sa diumano'y tangkang panghahalay nito kay Deniece.
 
Noong una ay hindi nagsampa ng pormal na reklamo si Deniece laban kay Vhong.
 
Ngunit pagkatapos maghain ng patung-patong na reklamo si Vhong laban sa grupo nina Deniece at Cedric, naghain din ng rape complaint ang modelo laban sa aktor.
 
 
"ONE-SIDED REPORTING." Naglabas muli ng kanyang hinaing si Cedric laban sa Kapamilya network.
 
Aniya, “One-sided yung reporting ng ABS-CBN.
 
"For whatever reason they’re doing this, I understand they have to protect one of their own dahil si Vhong Navarro ay talent nila.
 
"Cash cow nila yun sa noontime show [It's Showtime], as much as possible, ayaw nilang masira ‘yan.
 
"At saka also to draw loyalty from their other talents.
 
"Siyempre ako, pag talento ako ng ABS at nakita kong isang talento na pinuproteksyunan nila nang ganyan, magkaka-loyalty din ako sa ABS.
 
"Maiisip ko, pag mangyari din sa akin ‘to, puproteksyunan din ako ng ABS.
 
"Hindi ako ganun kabilis na ma-pirate ng ibang istasyon, 'di ba?"
 
Sabi pa ni Cedric, “I’m requesting sa ABS, mag-isip-isip naman sila, if they’re harboring a rapist, 'di ba?
 
“Pati ‘tong bagong rape case na lumabas na nag-file, ni-link din nila sa akin."
 
 
NEW RAPE COMPLAINT. Ang tinutukoy naman dito ni Cedric ay ang hiwalay na rape complaint na inihain ng beauty-pageant aspirant na si Roxanne Acosta Cabanero laban kay Vhong.
 
Saad ni Cedric, “So, ibig sabihin ba, ganun lang ba kabilis na magpakawala ng babaeng ni-rape?
 
"Magbabayad ka na lang ng kung sino, sisigaw na lang ng rape?
 
"I-background check din nila yung mga taong pinagri-rape ni Vhong, 'di ba?
 
“Yun ang ikinasasama ng loob ko.
 
"Sana sa ABS, maging patas naman sila sa pagri-report nila.
 
“They make me appear so powerful, so well-connected and everything, and then what? I’m extorting one million pesos?
 
“If I’m that influential, and wealthy and powerful, does it make sense?
 
“One million pesos, maghahati kaming walo, plus yung apat na ni-relieve na pulis na sinasabi in cahoots with us?
 
“Kung maghati kami ng one million, kaming dose, tig-P83,000 each!"
 
Dagdag niya, "I-profile naman nila ang background ng mga kasama ko dun.
 
"Mga negosyanteng matitino yun, may kaya sa buhay yun. Hindi kami gagawa ng ganyan na walang dahilan.

"Si Vhong, may pattern na of ano… na ilan ang mga ni-rape, 'di ba?
 
“Mag-isip-isip sila before they harbor a rapist.”
 
Story by: pep.ph

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>