latest Post

Kuya Germs, nanindigan sa 'star' ni Justin Bieber at iba pang foreign celebs sa Walk of Fame

File Photo: Justin Bieber, habang nakikipaglaro ng basketball sa Tacloban City noong Disyembre 10, 2013. AFP


Ayaw nang patulan ng Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno ang mga intriga sa paglalagay ng "star" ng mga dayuhang celebrity sa Walk of Fame-Philippines sa Eastwood Libis sa Quezon City tulad ni Justin Bieber na kamakailan ay nasangkot sa kontrobersiya.

"Huwag na  nating isipin na ano ba ito, taga-ibang bansa, nilalagay ni Kuya Germs sa Walk Of Fame— iba ang prinsipyo ko, 'yon ang aking prinsipyo," paliwanag ng Master Showman sa GMA News Online.

Para kay Kuya Germs, ang mahalaga raw ay ang malaking tulong na naibigay ng mga taong isinama niya sa Walk of Fame nang dumating ang malaking pagsubok sa bansa dulot ng bagyong "Yolanda."

"Well, no'ng mangyari itong 'Yolanda' at nakita ko ang pagkikiisa ng mga tao, hindi man dito sa atin, hindi taga-rito, yung ipinakita nilang tulong at pag-alala ay damang-dama mo," saad ni Kuya Germs na nagdiriwang ng ika-18 taon ng programa niyang "Walang Tulugan With The Master Showman."

Nitong Diyembre, inilagay ni Kuya Germs sa Walk of Fame Philippines ang mga pangalan nina Justin Bieber, CNN news anchor Anderson Cooper, at namayapang "Fast & Furious" star na si Paul Walker.

Sina Justin at Paul ay nagsagawa ng kani-kanilang fund raising drive para sa biktima ng bagyong "Yolanda."  Personal pang nagtungo sa Tacloban ang Canadian superstar at nakisalamuha sa mga naging biktima ng kalamidad. 

"'Yong ginawa niya 'yon immediately nagpagawa na ako kasi last December first lamang, nagdagdag ako ng ilang pangalan, anibersaryo kasi ng Walk Of Fame. Nung mangyari itong Yolanda ginawa ko na maihabol itong kila Justin Bieber," paliwanag ni Kuya Germs.

Pero nitong nakaraang buwan ay nasangkot sa mga kontrobersiya si Justin tulad ng paggamit umano ng marijuana at driving under the influence o DUI.

Nasawi naman si Paul sa isang car accident matapos dumalo sa isang fund raising drive sa California.

Itinuturing naman ni Kuya Germs na malaking bagay ang ginawang pag-cover sa Pilipinas at ipinakitang malasakit ni Anderson sa mga Pilipino kaya nalaman ng mundo ang matinding epekto ni "Yolanda" sa Pilipinas,

"Dahil hindi naman sila magpapahalaga na pumunta rito at mag-isip kung ano ang puwedeng gawin kung wala tayong halaga sa kanila, diba?," katwiran ni Kuya Germs.

Nitong nakaraang taon, 25 personalidad ang ginawaran ni Kuya Germs ng bituin sa Walk of Fame. Kinabibilangan ito nina Manding Claro (matinee idol noong 1950's), Wing Duo na sina Angie Yoingco at Nikki Ross, Jamie Rivera, Alice Eduardo, Joel Torre, TJ Trinidad, Edgar Mortiz, Bembol Roco, Direk Laurice Guillen, Vicky Morales, Gladys Reyes,  at Toni Gonzaga.

Kasama rin sina Dr Manny at Pie Calayan, Joel Cruz, mga beauty queen na sina Miss World Megan Young, first Miss Universe Armi Kuusela, 1973 Miss Universe Margie Moran, at mga naging Miss International na sina Stella Marquez-Araneta,  Melanie Marquez,  Gemma Cruz, Precious Lara Quigaman at Aurora Pijuan, at ang may dugong Pinoy na Hollywood actor na si Rob Schneider.

Story by: Mac Macapendeg/gmanews.com

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>