latest Post

Philippine Holidays posibleng mabawasan ayon sa Kongreso


Masamang balita sa mga mahilig magbakasyon. Inihayag ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. na rerepasuhin ng Kamara de Representantes ang maraming holidays sa bansa na nakakaapekto umano sa sektor ng negosyo.

Ayon sa lider ng mga kongresista, posibleng magresulta sa pagbawas sa holidays ang gagawing pagrepaso. Lubha umanong maraming araw ng bakasyon sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa na iniinda ng mga negosyante.

Ang pagrepaso sa holidays ay resulto umano ng isinagawang consultative meeting nitong Miyerkules kasama ang mga lider ng Foreign Chambers and Philippine Business Groups.

Sinabi ni Belmonte na ikinumpara ng mga business leaders sa kalapit na mga bansa ang epekto ng maraming holidays sa Pilipinas.

"Sa akin lang, bakit naman ang dami dami nating holidays. There are sorts of holidays that are of greater impact on businesses and on certain parts of the country," pahayag ng kongresista.

"We have to study it, we are talking about it in relation to our neighbors, tingnan natin kung ilan ang holidays ng ating mga neighbors, because it is also in the context of being competitive,"
dagdag ni Belmonte.

Ngayong 2014, mayroong 10 regular holidays:

New Year's Day - January 1
Araw ng Kagitingan - April 9
Maundy Thursday - April 17
Good Friday - April 18
Labor Day - May 1
Independence Day - June 12
National Heroes Day - August 25
Bonifacio Day - November 30
Christmas Day - December 25, at
Rizal Day - December 30.

Samantala, may anim naman na special non-working days na:
Chinese New Year - January 31
Black Saturday - April 19
Ninoy Aquino Day - August 21
All Saints Day - November 1
Additional special non-working days - December 24 at December 26
Last Day of the Year - December 31.

Bukod pa rito ang Eid’l Fitr at Eidul Adha na mahalagang okasyon sa mga kapatid na Muslim na itinatakda batay sa Islamic calendar.

Special holiday naman para sa mga mag-aaral ang Feb.25 sa paggunita ng EDSA 1 Revolution Anniversary. 


Source: gmanews.com



If you like this story. Please share it. Thank you! - Admin

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>