Senator Juan Ponce Enrile denies Ruby Tuason's allegations: "Walang ibinibigay sa akin na pork barrel funds."
Nanindigan si Senator Juan Ponce Enrile na hindi siya tumanggap ng anumang kickback mula sa ghost projects ng pekeng non-government organizations (NGOs) na nauugnay kay Janet Lim-Napoles.
Itinanggi rin ng beteranong pulitiko ang alegasyon ni Ruby Tuason na ang kanyang chief of staff na si Atty. Gigi Reyes ang personal na tumatanggap ng perang nakalaan para sa kanya.
Ito ay kaugnay ng diumano’y maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.
Sa ulat ng GMA News Online ngayong araw, February 10, sinabi ni Senator Enrile, “Pork barrel funds? Walang ibinibigay sa akin na pork barrel funds.
"Kickback? I don't know. I do not live with Mrs. Reyes. I do not live in her house.”
More here: pep.ph
0 comments:
Post a Comment