latest Post

American actor Gabriel Macht, darating sa bansa para tumulong sa 'Yolanda' victims

Nakatakdang dumating sa Pilipinas sa Sabado para magkaloob ng tulong sa mga biktima ng bagyong "Yolanda" ang American actor na si Gabriel Macht, na kilala sa kaniyang role bilang abogadong si Harvey Specter sa U.S. TV series “Suits.”

Sa isang pahayag ng Globe Telecom, sinabing tatagal ng dalawang araw si Macht sa Pilipinas, at magtutungo ito sa Ormoc City sa Leyte.

“Witnessing the devastation of typhoon Haiyan, I felt compelled to raise awareness and financial aid to help thousands of people still struggling to get back on their feet," saad ni Macht na katuwang ng nabanggit na telecom  sa paghahandog ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo.
 
"There is so much work still to do. I'm excited to be a part of rebuilding and I'm hoping that so many more will join the effort," dagdag nito.
 
Kaugnay nito, sa pamamagitan ng Twitter ay isang tagahanga ng aktor ang nagtanong sa kaniya kung pupunta nga ba sa Pilipinas, na sinagot naman ni Macht.
 
 
Ang pagpunta ni Macht sa Pilipinas ay suporta niya sa "Project Wonderful," ng Globe Telecom na may kaugnayan sa pangkabuhayan at edukasyon ng mga naging biktima ni "Yolanda."
 
Katuwang sa proyekto ang Department of Social Welfare and Development, na tumutukoy sa lugar na higit na nangangailangan ng tulong.
 
“We hope that through this project, we will be able to teach them to manage sustainable micro-enterprises that will help them move from survival to self-efficiency,” sabi ni Issa Cabriera, bise-presidente ng Globe for Prepaid Business.
 
“Project Wonderful is thankful to Mr. Gabriel Macht for coming in to support us," dagdag niya.
 
Napag-alaman na manggagaling si Gabriel sa Melbourne, Australia sa kaniyang biyahe patungo sa Pilipinas.
 
 
Ginagampanan ni Macht sa TV series na "Suits," na tumatalakay sa buhay ng abogado at usaping legal, ang papel na si Atty. Harvey Specter.  
 
Bukod sa "Suits," napanood na rin si Macht sa mga pelikulang "The Spirit", "The Good Shepherd", at "Love & Other Drugs".

Kabilang sa mga dayuhang celebrity na nagtungo sa Pilipinas at nagbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong "Yolanda" sina Justin Bieber at David Backham. 

Source GMA News

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>