latest Post

Bibiyahe ngayong bakasyon?  Planong lakad, huwag i-Facebook, payo ng PNP

April 10, 2014 12:35 AM

Kung abala ang karamihan sa paggamit ng kanilang social media accounts para makibalita sa mga "friend," ang mga kriminal, abala rin sa pagtutok sa cyberspace para maghanap ng kanilang magiging biktima.

Ito ang paalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na nagbabalak bumiyahe ngayong Semana Santa o panahon ng bakasyon, ayon sa ulat ng dzBB radio nitong Miyerkules.

Payo ng kapulisan, huwag i-post sa mga social media account tulad ng Facebook ang gagawing pagbibiyahe o pag-iwan ang kanilang bahay.

Sinabi sa ulat na may mga masasamang-loob ang sumisilip sa mga social media account upang alamin ang aktibidad ng kanilang bibiktimahin.

At ngayong Holy Week at bakasyon, asahan na marami sa ating mga kababayan ang magtutungo sa mga lalawigan para makapamasyal o magtampisaw sa dagat.

Nitong nakaraang taon, naglabas ng mga payo ang PNP sa mga aalis ng kanilang bahay para magbakasyon. Ilan dito ang mga sumusunod:
tiyaking nakakandado ang mga bintana at pinto
maglagay ng burglar alarm sa bahay
huwag mag-iwan ng mensahe para ipaalam na walang tao sa bahay
kung maaari, iwan nakabukas ang radyo o may nakasinding ilaw para akalain na may tao sa bahay ibilin sa mapagkakatiwalaang kapitbahay ang bahay tiyakin na walang maiiwanang kandila na may sindi at naalis sa saksakan ang mga appliances na maaaring mag-overheat at pagmulan ng sunog. --GMA News

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>