latest Post

LGBT docu 'Out and Proud' hosted by Ms.Vicky Morales airs June 22, Sunday, 10:40pm on SNBO.

Sunday, 25 May, 2014 | 23:34


Gumawa ng marka sa telebisyon noong 2004 ang GMA-7 nang ipalabas nito ang mapangahas na programang “Out!” --- ang kauna-unahan at kahuli-hulihang magazine show patungkol sa LGBT o Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender. Dito unang nasaksihan ng mga manonood ang pagdokumento sa kung gaano kahirap at madamdamin ang paglaladlad ang mga bakla at tomboy sa mga taong mahalaga sa kanilang buhay.

Ipinakita rin sa “Out!” ang iba’t-ibang mukha, kuwento at pinagdadaanan ng Pinoy LGBT para sila ay mas maunawaan bilang tao. Sa maikling panahon nito sa ere, naging inspirasyon ito sa maraming tago at takot na LGBT para magpakatotoo!
 

 
Litrato ng “Out!” hosts na sina JM Cobarrubias, Avi Siwa at Jigs Mayuga noong 2004 (left) at ngayong 2014 (right)

At ngayon, isang dekada makalipas sumahimpapawid ang “Out!”, bilang pakikiisa ng Kapuso Network sa Gay Pride Month ngayong Hunyo, handog ng GMA ang isang dokumentaryong sisiyasat sa mga pagbabagong nangyari at patuloy na nangyayari sa buhay-Pinoy LGBT.

Sang-ayon ba ang mga kababayan nating bakla at tomboy sa opinyon ng karamihan na sila ay mas tanggap na ngayon? Anong pwedeng gawing patunay na ang Pilipinas ay karapat-dapat ngang ituring na “Most Gay-friendly country in Asia’?



 
Crystal at Christine Lin, kambal na lesbian; Nil Nodalo, isang “transman” na executive sa isang security firm; at Sebastian Castro, isang openly-gay internet personality na hinahangaan
ng maraming pinoy gay youth

 
Sa nakalipas na dekada, nakita rin natin ang pagdagsa ng mga pelikula at TV show na may temang LGBT, gaya na lang ng “My Husband’s Lover” na pumatok at gumawa ng ingay noong 2013. Sensyales daw ito na tinatanggap ng lipunang Pilipino na bahagi na ng kanilang normal at pang-araw-araw na buhay ang pakikisalamuha sa mga bakla at tomboy.




Ang mga “straight” na matinee idol na sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo na nagtambal sa “My Husband’s Lover” at si Francine Garcia, ang transgender beauty queen ng Eat Bulaga


Subalit ang klase ng paglalarawan sa LGBT ngayon ay nakatutulong bang gawing positibo ang kanilang imahe o mas lalu lamang nagdidiin sa hindi pantay na pagtingin sa mga kanila ng ibang tao?

Tatalakayin din sa dokumentaryo ang mga issue na mahalaga sa Pinoy LGBT gaya ng same sex marriage na tila imposible raw maging legal sa Pilipinas, at ang pag-usad sa pagpapasa ng matibay na anti-discrimination bill na magbibigay ng pantay na karapatan at trato sa lahat ng Pilipino anuman ang kanilang gender at status.

 

Ang “married” gay partners na sina Director Jun Lana at Perci Intalan at ang “engaged” lesbian couple na sina Liza Dino at Aiza Seguerra

Muli nating buksan ang ating puso at isip sa kwento ng mga Kapuso nating LGBT!

“Out and Proud”, hosted by Ms.Vicky Morales, mapapanood sa GMA-7 sa June 22, Linggo, 10:40pm sa SNBO.

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>