latest Post

Nadine Samonte babalik sa dating bahay!

Saturday, May 10, 2014 0:58
                  
Ten years ago, February 28, 2004, to be exact, nagtapos ang first batch ng StarStruck, ang original reality talent show ng GMA 7. 

First grand winners sina Jennylyn Mercado at Mark Herras, runners-up sina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo. Ang maganda sa batch na ito, halos hindi sila naghiwa-hiwalay, may communication sila kaya naman masaya silang lahat nang kunin silang mag-guest sa bagong morning show ng GMA 7, ang Basta Every Day Happy, na mapapanood na simula sa Lunes, May 12, 11:00 a.m. hosted by come backing actress-TV host Donita Rose, Gladys Reyes, Alessandra de Rossi, and Chef Boy Logro, sa direksyon ni Louie Ignacio.

Nag-appear sa taping last Wednesday sina Jennylyn, Mark, Yasmien, Rainier, Katrina Halili, Nadine Samonte, Dion Ignacio, Jade Gonzales, Alvin Aragon, and Anton dela Paz. 

Wala sina Sheena Halili, Cristine Reyes (who’s now with ABS-CBN), Christian Esteban (now based in the States) at ang yumaong si Tyron Perez. 

After the taping, nag-celebrate sila dahil birthday ni Jennylyn sa May 15. Ito na kaya ang hudyat sa sabi’y pagbabalik ni Rainier sa GMA Network at si Nadine, na matatapos na ang contract this June sa TV5?

Noon kasing presscon ng One of the Boys, kung saan isa sa cast si Nadine, hindi niya sinagot kung totoong babalik siya sa GMA after mag-expire ang contract niya sa Kapatid Network. Si Rainier ay hindi na muling ni-renew ng TV5 sa contract niya.

Discuss more in the comment section. Like the story? Share it! 

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>