latest Post

ABS CBN pinakakasuhan ng Court of Appeals hinggil sa pagtawag sa GMA na magnanakaw

Saturday, 21 June, 2014 | 0:43

     Kinatigan ng Court of Appeals (CoA) na kasuhan ang ilang dati at kasalukuyang opisyal at talent ng ABS CBN. Kasama sa pinaka kasuhan sina ABS CBN Chairmam Gabby Lopez, dating ABS CBN News Manager Luchi Cruz Valdez, Erwin Tulfo, at Lynda Jumilla.

    Ito ay para sa pagtawag nila sa GMA Network na magnanakaw o namirata sa mga news program ng ABS CBN kaugnay ng video ng pagdating ni Angelo dela Cruz na binihag sa Iraq noong 2004.

     Ginawa nila ito bago pa man nila kasuhan ang GMA ng Copyright Infringement. Ayon sa korte kahit may tinatawag na Freedom of the Press dapat maging responsable pa rin ang mga miyembro ng media sa bawat sinasabi nila. Lalot hindi dapat pinaparatangan ang isang kumpanya na hindi pa napatutunayan na ginawa nga nila ang krimen.

      July 22, 2004 ng dumating sa bansa si Dela Cruz. Bilang subscriber noon ng Reuters Television Service inere ng GMA ang kuha ng pagdating nya na sinasabi naman ng ABS-CBN  na exclusive nilang kuha.

     Nobyembre naman ng 2010 ng pagbigyan ng korte ang petisyon ng GMA na kumukwestyion sa paghain ng reklamong Copyright Infringement  laban sa ilang opisyal ng GMA dahil sa paggamit nito ng video.

     Matapos ang ilang buwan ibinasura ng court of appeals ang motion for reconsideration ng ABS CBN. -GMA New

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>