latest Post

Kuh Ledesma is paired with Ervic Vijandre in GMA-7's new teleserye My Destiny

Thursday, 26 June, 2014 | 23:37


Sa bagong teleserye ni Kuh Ledesma sa GMA-7, makakasama niya ang comebacking actor na si Dennis Roldan. Sila ang gaganap na mag-asawa para sa upcoming primetime series na My Destiny.

Sa My Destiny, gaganap si Kuh bilang si Selena Andrada na asawa ni Mateo Andrada played by Dennis Roldan. Bago ito ay huling napanood si Kuh sa My Husband’s Lover kung saan siya gumanap bilang si Elaine na asawa naman ni Armando na ginampanan ni Roi Vinzon. 

Sa June 24 press conference na ginanap sa Plaza Ibarra, Quezon City, ikinuwento ni Kuh ang pagkakaiba ng My Destiny sa previous teleserye niya na My Husband's Lover. 

“Iba yung ano namin, e, yung chemistry namin ni Dennis, iba yung istorya namin, iba yung istorya namin ni Roi. Doon nagpe-play kami, naglolokohan kami ni Roi," paliwanag ni Kuh. 

“Dito medyo seryoso yung relationship namin ni Dennis, ni Mateo kasi hindi na mahal, kasi pinabayaan niya ako, he’s busy, inuna niya yung karera niya, yung ganun.” 

Sa My Husband's Lover, si Tom Rodriguez ang gumanap bilang anak ni Kuh. Kung dati ay closet gay ang karakter ni Tom, dito naman sa My Destiny ay isa na siyang straight guy. 

Pagpapatuloy ni Kuh, “Dito naman mahal ko pa rin yung mga anak ko, e. Oo, pero ano ako, magkakaroon ng mga conflicts and issues kasi nakikipaghiwalay nga ako sa father so magiging problematic talaga dito si Paul, si Ruru [Madrid].” 

Gaganap na bunsong anak nina Selena at Mateo si Ruru Madrid bilang si Paul. “Kasi bata pa siya, talagang naaapektuhan ang mga bata pagka nagkakaroon ng breakup ang parents. Ang pinaka-nagsa-suffer talaga yung mga anak, e. 

“So interesting because it’s very common these days at tsaka yung mga isyu kung papaano nagkakaroon ng problema ang mag-asawa. “So hopefully we’ll be able to you know, shed light kung ano yung dapat gawin para ang marriage does not break-up. Kasi magkakaroon naman ng healing, e. 

“Magkakaroon naman ng sagot siyempre in every show gusto natin may ilaw naman at the end of the tunnel. Hindi naman yung parang teleseryeng nagkawatak-watak, wala ng magandang aral, di ba?” 

Kahit raw baguhan si Ruru ay marunong na itong umarte, ayon kay Kuh. 

“Magaling si Ruru! Ruru is very good! Oo, magaling siya. Very dedicated as an actor, as a young actor, ha? Magaling siya.”

Mapapanood na ang My Destiny simula Lunes, June 30, pagkatapos ng Niño. Ang mga bidang babae dito ay sina Carla Abellana bilang si Grace dela Rosa at Rhian Ramos bilang Joy dela Rosa. 

Nasa cast rin sina Sid Lucero bilang si Jacob Perez, Al Tantay bilang Arnold dela Rosa, Ayen Munji-Laurel bilang Ruth Perez, at si Miss Lorna Tolentino bilang si Agnes dela Rosa. Kasama rin dito sina Ashley Ortega bilang Alex Martinez at Gabrielle Garcia bilang Nicole Perez. 

Sa My Destiny ay isang cosmetic surgeon, doctor to the stars ang papel ni Kuh kaya tinanong namin siya kung si Dra. Vicki Belo ba ang peg niya sa serye? 

“Hindi ko pinattern dun,” at tumawa si Kuh. “Hindi, hindi.” 

Kilala ba niya si Vicki? 

“I know her but I don’t know her that well. 

“Baka ang nag-peg diyan yung mga writers, pero ako yung acting ko is not like that.” 

Tulad sa MHL ay glamourized siya, gayun din sa My Destiny. 

Pero papayag raw siya kung may proyektong deglamourized siya, na losyang ang istura niya.

“Yeah! I would love to do that.” 

Sa cameo role niya dati sa pelikulang Till I Met You nina Regine Velasquez at Robin Padilla ay tindera sa palengke ang papel ni Kuh. 

“I would love to do that kaya ko yun, e. 

“Kaya lang baka ngayon hindi pa nila nakikita na kaya ko yung mahirap. May narinig akong comment, sabi baka hindi maniwala yung tao. 

“Pero kasi galing naman ako, hindi naman ako galing talaga sa mayamang-mayamang ano, e. 

“At tsaka it’s interesting for me to do something that is not parang malapit sa life ko ngayon.” 

Saan siya mas matsa-challenge, sa glamorosang papel o sa deglamourized role? 

“Ah yung deglamourized! Maganda yun. At tsaka yung mga talagang taong kalye [na papel], gusto ko yan!” 

Freelancer si Kuh, wala siyang exclusive contract sa Kapuso Network. 

“Hindi ko pinursue yung contract with GMA because I’d like to be free also, hindi ko alam kasi what tomorrow you know, God’s gonna bring me for tomorrow so mas gusto ko open na rin. “We were talking about it in the beginning pero sabi ko I think I’d like to just be you know, content with what I have now, itong teleserye. 

“Mas gusto ko yun.” 

Isang Christian si Kuh; mabuti at napapayag siya na gumanap bilang isang cougar. 

Sa My Destiny kasi ay magkakaroon siya ng young lover na gagampanan ni Ervic Vijandre. Tumawa muna si Kuh bago sumagot. 

“Well alam mo, kahit sa Christian churches, nagro-role playing naman ang Kristiyano. Kasi you’re telling a story. 

“And then from there, siyempre ang hiningi ko sa role ko, ‘O huwag namang manatiling cougar forever!’ May redeeming factor sa huli. Oo dapat lang, ano? 

“Yung Christian kasi, lahat naman ng Kristiyano may testimony na pinanggalingang pangit na buhay e, di ba?” 

Na lalong nagpapatibay sa isang tao. 

“Oo and more interesting, di ba? Na pagka nagbago ka, parang nakita mo talaga kung papano ka hinubog ng Diyos. Ano yung plano ng Diyos for you.” 

Walang karelasyon ngayon ang 59-year-old actress; posible kaya na mahulog ang loob niya sa isang lalaking mas bata sa kanya? 

“Ha! Aba bakit hindi kung mas matalino siya sa akin!” 

Hindi ba mahirap iyon, na makatagpo siya ng isang lalaking bata na mas matalino sa kanya? 

“Hindi, hindi mahirap yun, e. Pero siguro to go out with a 20-year-old, naku huwag naman sana akong ma-tempt sa ganyan,” at natawa si Kuh. 

“Mahihiya yata akong sumama sa mga twenty-year old, di ba?” 

Unang beses ni Kuh na maidirek ni Binibining Joyce Bernal. 

“I like working with Joyce. She’s very approachable as a director, na magaan yung working atmosphere, magaan. 

“So I like it, you know, she’s very open to suggestions, tapos mas gusto ko siya, hinihimay niya yung scenes.” 

So puwede silang mag-suggest. 

“Oo, oo. She doesn’t have to take the suggestions but at least she listens, di ba?”  — pep.ph


About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>