Thursday, 5 June 2014 | 0:37
Pinangunahan ng Superstar na si Nora Aunor ang pagpupugay o tribute kaugnay ng 100th Birth Centennial ng National Artist for Film na si Gerardo De Leon (September 12, 1913 - July 25, 1981).
Ang Centennial celebration na ito ay tatagal ng isang taon. Ipinalabas ang mga piling pelikula ng Pambansang Alagad ng Sining mula September 12, 2013 hanggang September 12, 2014, ugnay sa Presidential Proclamation 497, ang Centennial Year of National Artist for Film Gerry de Leon.
Ang isa sa culminating events ay naganap noong May 17 sa Dream Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP).
Nagkaroon dito ng retrospective screening ng klasikong obra ni Gerry De Leon, ang Banaue(1975) na prinodyus ni Ms. Aunor para sa kanyang movie company noong 1970s, ang N.V. Productions, Inc.
"Kung tutuusin po, ang gabing ito... ay para po sa family ng ating National Artist na si 'Manong' Gerry de Leon," bungad ni Ate Guy (Aunor's monicker) sa mga nagsidalo sa pagsisimula ng open forum sa Little Theater Lobby.
"Nandito po ang pamilya ng ating National Artist na si 'Manong' Gerry... at ako po ay isang panauhin lamang po nila..."
Bukod kay Ate Guy, dumalo sa okasyon ang ilang miyembro ng pamilya ni De Leon, kabilang ang dalawa niyang anak na sina Liberty Ilagan, kabilang noon sa Stars '66 ng Sampaguita Pictures; at Baby Gibbs, ang maybahay ni Ronald James Gibbs, o mas kilala bilang si Ronaldo Valdez, ang isa sa mga pangunahing aktor ng Banaue.
Nasa okasyon din si Bing Loyzaga, ang maybahay ni Janno Gibbs; Ronaldo's eldest son; at ang dalawa nilang supling na sina Alyssa Marie at Gabby Gibbs.
Represented din ang produksiyon ng mga bagong pelikulang natapos at tinatapos i-shoot ni Nora, tulad ng Padre de Pamilya at Silbato (Whistle Blower) at Kinaumagahan (short film), with director Adolf Alix, Jr.; Dementia, na co-star si Bing Loyzaga; at Hustisya, na si Ricky Lee, Nora's companion, ang may akda ng screenplay.
In full force ang mga opisyal at miyembro ng fans club ni Nora Aunor, including NFF (Nora's Friends Forever), Federation of Nora Aunor Followers at GANAP o Grand Alliance for Nora Aunor; sila ang nagpa-cater para sa mga dumalong miyembro ng pamilya ni Manong Gerry, mga taga-industriya, at local media.
Nagsimula ang screening ng Banaue ng mga dakong ika-5 ng hapon at natapos makalipas ang ika-7 ng gabi.
Ang event na ito ay pinangunahan ng SOFIA (Society of Filipino Archivists for Film), na ni-represent nina Mr. Teddy Co at ng premyadong production designer, Cesar Hernando.
Sa buong panahon ng Gerry De Leon @100 Birth Centennial, na nagsimula last year sa CCP, ay naitakda ang pagpapalabas ng mga kinilalang obra ng National Artist, kabilang ang48 Oras (1950), Sisa (1951); Ang Sawa Sa Lumang Simboryo (1952); Sanda Wong (1955); Noli Me Tangere (1961) at El Filibusterismo (1962); Kulay Dugo Ang Gabi (1963); Ang Daigdig Ng Mga Api (1966); Lilet (1971), "Caridad" episode ng Fe, Esperanza, Caridad(1974), Banaue (1975).
The master filmmaker Gerry De Leon died in 1981, leaving an unfinished film, Juan dela Cruz, in 1976, topbilled by the late actor-politician, Fernando Poe, Jr., with Susan Roces and Gloria Romero. Nakatakda ring itanghal ng SOFIA ang unfinished masterpiece, pati ang "Caridad" episode ng FEC, tampok sina Nora at Ronaldo, sa Hulyo 2014.
MOST EXPENSIVE FILM. Naging masaya ang okasyon, sa pangunguna nina Nora at co-star niya sa Banaue na si Ronaldo Valdez. Ang dalawa pang nakatambal ni Nora sa pelikula ay sina Christopher de Leon at ang yumaong aktor na si Johnny Delgado. Hindi nakadalo sa okasyon si Christopher.
Kabilang din sa major cast sina Gloria Sevilla at yumaong veteran actor, Ben Perez; at ang bunsong kapatid ni Ate Guy na si Eddie Boy Villamayor.
Sina Nora at Ronaldo ang naging punong-tagapagsalita, tagapagpakilala, at tagapagsalaysay ng maraming magagandang anecdotes hinggil sa naging karanasan nila sa paggawa ng nasabing pelikula at pakikipag-trabaho sa henyong Pilipinong filmmaker.
Patuloy ni Nora, "Ang masasabi ko lang po... ako ay isang napakapalad na artista sa industriya, na naidirek ng National Artist, sa pinakahuli po niyang ginawang pelikula, angBanaue.
"At ito po ay hindi ko makakalimutan sapagkat noong panahon pong iyon.. ang Banaue po [done in 1974 and released in April 1975] ang pinakamahal sa lahat ng nagawang pelikula."
Sa isang hiwalay na interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ate Guy, nasabi nitong mahigit isang milyon ang nagastos ng kanyang produksiyon sa paggawa ng Banaue.
"Noon, nagpu-produce ako, puro bagong capital, kadalasan," banggit ni Nora.
"Hindi ko na kasi naasikaso, sa sobrang pagka-busy ko. Kaya laging bagong capital, kapag may gusto akong gawing pelikula."
Bilang isang legendary epic romance-adventure film, na itinuturing na ngayong klasiko, angBanaue ay kuwento ng naging pagkakabuklod ng mga Ifugao ng Mountain Province noong unang panahon, around 500 B.C. Pangunahing tauhan dito ang mountain maiden named Banaue (Nora), at ang tatlo niyang naging mangingibig: sina Sadek (Christopher), Pugnoy (Johnny) at Aruk (Ronaldo). Mula ito sa screenplay nina Toto Belano at Manong Gerry de Leon.
ADULT MATERIAL. Si Prof. Joselito Zulueta, section editor ng Philippine Daily Inquirer at kasalukuyang pinuno ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, ang nag-introduce sa Banaue, sa pamamagitan ng kanyang critique.
Obserbasyon ni Zulueta, isang "adult film" ang obra at nakapagtatakang naipasa iyon bilang GP (General Patronage) movie ng dating sensura (Board of Censors for Motion Pictures and Television), na noo'y pinamumunuan ni Executive Secretary Guillermo De Vega sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Bagama't hindi isang sexy o "bold" star ang taguri kay Nora Aunor, ang kuwento ng Banaueay akmang panoorin ng mga adult viewers (pang-R-13 by today's MTRCB standards) dahil sa mga elemento ng nudity, violence, at intimate scenes ng mga tauhan.
Saad naman ni Ate Guy, "Alam n'yo po, hindi puwedeng hindi aprubahan ng Board of Censors ang Banaue noong araw [as GP movie], sapagkat kahit na may mga hubad... sa costumes po [naka-topless ang mga kababaihan; at bahag ang mga kalalakihan], kasi yun po talaga ang kultura—ng mga Ifugao at Kalinga tribes—noong mga panahong 'yon."
FUNNY ANECDOTES. Naging kuwela rin ang sinabi ni Ate Guy, patungkol sa kung paano sila noon binibigyan ng instruction ni Artemio Pecson, ang assistant director noon ni Manong Gerry.
"Dati, sasabihin [sa set], 'Magbihis na kayo!' Pero sa Banaue, 'Maghubad na kayo!'
"Pero, kita n'yo naman, ang katawan ko po doon, echo derecho!" at natawa mismo si Nora sa sinabi niya, patungkol sa isang "topless" scene niya. Ipinagtapat naman ng aktres, sa hiwalay na interview, na meron namang ginamit na body double.
Naisip daw ni Ate Guy na naunahan niya na magpa-sexy si Vilma Santos na naging mapangahas naman sa pelikulang Burlesk Queen (1977).
Ani Ate Guy, "Sa totoo lang ho, ngayon ko lang na-realize, na ako pala ang mas naunang nag-bold kaysa sa kumare ko [Vilma Santos]! Sa Banaue 'yon."
Pagbabalik-tanaw rin ni Ate Guy na nagkamabutihan sila ni Christopher de Leon noong panahon na iyon, bago pa sila naging magkasintahan at naging mag-asawa.
"Masaya po nu'ng sinu-shoot namin ang pelikula dahil du'n ko po 'niligawan' si Papa Boyet [Christopher de Leon]. Totoo yun!
Sabay-bawi agad ni Nora, "Hindi, ako po ang niligawan [ni Boyet], sa totoo lang..."
Bago nai-release ang Banaue noong April 1975 ay kinasal sina Nora at Boyet (isang beach wedding sa La Union) noong January 1975. Nagkaroon sila ng isang supling, si Kristoffer Ian De Leon, isa na ring aktor ngayon.
Kay Ronaldo Valdez naitanong naman ang tungkol sa challenges sa kanya ng paggawa ngBanaue at pag-portray niya kay Aruk, isang fierce warrior na nakaulayaw ni Banaue (portrayed by Nora).
"Well, ang mga challenges doon, unang-una, yung pagbabawas ng timbang... kailangan kasi warrior. At isa pang challenge doon, yung control and harnessing of the emotions.
"Kung napuna ninyo, sa eksena doong namatay ang kapatid ko, naging emotional siya [Aruk], di ba? E, samantalang ano siya, supposedly fierce warrior, tapos iyakin?" Ronaldo laughed. "E, kaso mahirap pigilan, kasi lumalabas nang kusa [ang emosyon]..."
Biniro din ni Ronaldo si Nora about Boyet na aniya'y nagkaroon sila ng chance na maging close noong natigil ang shooting dahil sa mga bagyo.
Si Nora naman, bumuwelta sa aktor, "Ganyan po 'yan maski noong araw, kala mo seryoso, pero laging may punchline... hindi lang naman ako... ay, tikom-bibig na lang po..."
Natawa ang audience dahil sa insinuation ni Ate Guy in the presence of Ronaldo's wife, Baby Gibbs.
"Inumpisahan kasi, e, meron din akong nakikita noong araw. Masyado pong mabait si Mr. Ronaldo noong araw; gentleman, pagdating sa mga babae.
"Pero pag gabi, pag tapos na yung shooting namin, hindi ko lang alam kung saan siya nagtutuloy... e, may mga babae kaming [kasali sa cast], may mga Amazona kami, e, di ba?"
Nora's revelation elicited laughter from everybody, which further enlivened the occasion.
Pero sa isipan ng Superstar-actress, "Nakakalungkot na mawalan [ang industriya] ng isang napakagaling na direktor.
"Pero ang mga alaala ng mga nagawa niyang pelikula, hanggang ngayon... at kahit ako ay mawala na sa mundo, yung kanyang mga ginawang pelikula, ay maaalala pa rin ng industriya ng pelikulang Pilipino.
"Hindi na po mawawala yon. Kumbaga, nakapako na po yun sa bato.
"Kahit yung mga anak ko; anak ng mga anak ko; anak ng mga anak ng mga anak ko, hindi na po mawawala ang pangalang Gerry de Leon, ang ating National Artist for Film."
NATIONAL ARTISTS THEN AND NOW. Bukod kay Gerry de Leon, naka-trabaho din ni Nora sa Banaue ang National Artist for Dance na si Ramon Obusan, ang choreographer ng mga katutubong sayaw na ipinakita sa pelikula.
Sa iba pang pagkakataon, naka-trabaho ni Ate Guy ang iba pang National Artists for Film tulad nina Lamberto V. Avellana, sa "Esperanza" episode ng Fe, Esperanza, Caridad (1974); Lino Brocka sa Bona (1980); at Ishmael Bernal sa Himala (1982), among other films.
Naka-trabaho din ng aktres ang National Artist for Theater na si Salvador "Badong" Bernal, na siyang taga-disenyo ng kanyang mga kasuotan sa weekly RPN-9 musical-variety show naSuperstar.
Madalas naitatanong ang pagiging National Artist for Film and Broadcast Arts ni Nora Aunor. Sa ngayon kasi ay nai-recommend na siya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Cultural Center of the Philippines (CCP).
Pero lagi na ay may pagpapakumbaba ang wika ni Ate Guy. "Marami pang karapag-dapat sa parangal... kung ipagkakaloob, maraming salamat po. Kung hindi, salamat din po..."
Ang pinakahuling ulat, nasa tanggapan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa Malacanang ang rekomendasyon ugnay sa pagiging National Artist ni Nora Aunor at limang iba pang alagad ng sining. Pending Presidential signature and approval ang naturang rekomendasyon.
BIRTHDAY SURPRISE. Sinorpresa din ng SOFIA, guests of honor, at mga fans si Nora Aunor para sa kanyang 61st birthday on May 21.
May mga cakes at bouquet of flowers para sa celebrator at buong lugod na nagpasalamat ang Superstar.
"Naku, Manong [Gerry], kung hindi po dahil sa inyo, wala po ito. Mas malaki pa ang bulaklak sa akin.
"Sabagay, 28 years old pa lang naman ako. Matanda lang si Ronaldo Valdez sa akin ng 2 taon," biro pa niya.
Ano ang birthday wish ni Nora Aunor on her 61st birthday?
"Bilang artista po, sa awa ng Diyos naman, lahat po ng roles, ng characters na dapat magampanan ng isang artista, naibigay na sa akin.
"Pero isa lang po ang gusto kong hilingin, dahil yun na lang po ang hindi pa natutupad na pangarap ko bilang artista: ang mag-bold!" -pep.ph
0 comments:
Post a Comment