Sunday, 29 June 2014 | 0:11
Bago ang My Destiny ay umalagwa nang husto ang career ni Tom sa mapangahas niyang pagganap bilang closet gay sa Kapuso teleserye na My Husband's Lover.
Kaya tinanong namin si Tom kung nag-exert ba siya ng extra effort para mailayo nang husto ang karakter ni Matthew sa dating pagganap niya bilang Vincent.
“Sa lahat naman ng ginagawa ko I really try to, pero siyempre baguhan lang ako.
“Kung anuman, bale yung natuklasan ko pa lang ngayon sa sining ng pag-arte e bale tip of the iceberg pa lang.
“So I’m hoping na sa bawat project na mapasama ako, sa bawat tao na mga makakatrabaho ko, kasi dun ako nakakahugot ng mas maraming aral, e. Sa mga nakakatrabaho ko.
“Kasi pinapalad ako na yung mga nakakatrabaho ko ay napakagagaling. Napakagaling nila.
“From the beginning of my career, and I’ve learned so much from them, not just in acting but from singing.
“Kaya sana mas lumawak pa yung tools ko na magagamit in my craft, kasi sa ngayon talaga I have limited tools, e. And I’m trying to do the best that I can with it.
“And I really try to differentiate my characters,” paliwanag niya.
May bago raw na makikita ang televiewers kay Tom sa My Destiny.
Saad niya, “Siguro yung a lot more playfulness kasi Matthew’s a really... he has a really playful side to him, e.”
Hindi kaya siya mahirapan dahil nakatatak pa rin sa utak ng publiko si Vincent?
“Of course mahirap, pero what can I do?
“I mean, the only thing that I can do is really try to do the best sa trabahong ginagawa ko.
“And although constructive criticism really helps, a lot of the times din you have to... yung mga comments na hindi naman constructive or parang pagpuri lang din, sometimes kailangan i-filter out mo rin para hindi rin makaapekto rin sa trabaho mo.
“So, you have to be objective din in your work na, minsan kahit masakit kung constructive naman e kailangan pakinggan mo para din sa pag-improve mo,” lahad pa niya.
Sa My Destiny ay kapareha ni Tom si Carla Abellana bilang si Grace dela Rosa.
Gaganap naman dito bilang si Joy dela Rosa si Rhian Ramos.
Nasa cast din ng My Destiny sina Sid Lucero bilang si Jacob Perez, Miss Kuh Ledesma bilang si Selena Andrada, Al Tantay bilang Arnold dela Rosa, Ayen Munji-Laurel bilang Ruth Perez, Dennis Roldan bilang Mateo Andrada at si Miss Lorna Tolentino bilang si Agnes dela Rosa.
Kasama rin dito sina Ruru Madrid bilang si Paul Andrada, Ashley Ortega bilang Alex Martinez, at Gabrielle Garcia bilang Nicole Perez.
Sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, ipapalabas na ang My Destiny sa Lunes, June 30 pagkatapos ng Niño. —pep.ph
0 comments:
Post a Comment