latest Post

Jake Vargas wants Bea Binene to be part of his birthday celebration: “Ganun siya sobrang ka-importante sa akin.”

Monday, 7 July, 2014 | 0:28 by John Fontanilla/pep.ph



Magseselebra ng kanyang kaarawan sa July 9 ang Kapuso actor na si Jake Vargas. Sa pagtungtong niya ng edad 22 ay may tatlong wishes daw siya: para sa sarili, sa pamilya at sa patuloy na umuusbong nilang relasyon ni Bea Binene.

 Kuwento ni Jake nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang July 4 sa taping ng Walang Tulugan with the Master Showman sa Studio 6 ng GMA Annex kung saan sinorpresa siya ni Bea, “Ang unang wish ko ay sana lagi akong bantayan ni Lord at sana maging successful pa itong career ko. “Sa family ko, ang wish ko sana walang magkakasakit sa kanila, sana maging happy sila sa pang araw-araw at sana wag silang idadamay sa tuwing may intrigang ibabato sa akin. “Ayoko kasing nadadamay sila, kasi hindi naman sila showbiz. 

Siguro kung may iintrigahin, ako na lang, 'wag na lang sila idamay. “And wish ko rin para sa kanila na matapos na yung bahay namin kasi hindi pa tapos hanggang ngayon. Hopefully this year matapos na. Para sa kanila kasi yun. 

“Wish ko para kay Bea, siguro good health sa kanya at sa kanyang family at sana lagi siyang masaya pati na rin family niya. Pag masaya siya, masaya na rin ako. “More projects para sa kanya, para tuloy-tuloy ang dating ng blessings.” 

BIRTHDAY GIFT. Wala na raw mahihiling pa si Jake sa kanyang kaarawan sa dami ng mga magagandang bagay na meron siya sa ngayon. Pag-amin niya, “Actually, masyadong blessed na ako, kasi meron akong supportive at masayang pamilya. 

“Maganda rin ang takbo ng career ko kung saan meron akong three shows (Pepito Manaloto, Walang Tulugan with the Master Showman at Sunday All Stars). “Hindi rin naman ako ma-gadget na tao, kung anong meron ako, masaya na ako dun, kaya wala na siguro akong gustong hilingin pa.

” Pero kung may magbibigay daw ng regalo sa kanya, pahabol niya, “Siguro pag merong magbigay ng regalo, kahit ano man ito tatanggapin ko. “Lalo na kapag sports car tulad ng Camaro o Mustang. Hahaha! Kung meron lang magbibigay maa-appreciate ko nang husto yun. “Biro lang yun. Alam ko naman na walang magbibigay sa akin ng ganun kamahal na saakyan, siguro pag-iipunan ko na lang para magkaroon ako.

“Hilig ko talaga ang sports cars at kahit nga meron na akong isa, gusto ko magkaroon pa. Sa ngayon, parang hindi ko pa kaya. Pero soon, alam ko magkakaroon din ako ng dream car ko.” 


About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>