Saturday, 09 August 2014 | 1:04
Ayon sa pamunuan ng Jollibee Foods Corporation o mas kilala sa tawag na JFC o Jollibee napilitan silang pansamantalang magsarado o ipatigil ang operasyon ng halos 72 stores nila sa buong bansa yan ay dahil sa limitadong supply ng mga chicken, burgers at ng iba pa.
Paliwanag ng Jollibee ang pag mimigrate ng kumpanya sa bagong sistema na nagsimula noong August 1 ang nagpabagal sa pag oorder at pagdedeliver sa kanilang nga branches.
Kaya naman napilitan silang isarado muna pansamantala ang halos 3.2% ng kanilang stores sa Metro Manila at mga karatig na Siyudad.
Humihingi naman ng paumanhin ang Jollibee sa milyon milyon nitong customers na na disappoint sa nangyari.
"In our estimate, the JFC group has not been able to serve the consumer to the extent of 6% of its normal nationwide sales in the first 7 days of August 2014," sabi ng Jollibee
Subalit pinanindigan naman ng Jollibbe na meron silang sapat na supply ng kanilang produkto para masupplyan ang pangangailangan ng consumers sa buong buwan ng August.
Kelangan lang matapos ang bagong sistema para maisa ayos ang lahat.
"The products are in the company's various commissaries, warehouse, and logostic center. JFC will also enhance its transportation delivery capability in the months ahead".
Ayon naman sa Vice President for Marketing ng Jollibee na si Harvey Ong wala daw shortage ng chicken ang Jollibee.
"We would like to clarify that this is not a supply issue or a chicken shortage situation. Rest assured that this is only temporary as we are working round the clock to ensure that all our products, including chicken joy, Jolly Dpaghetti, and Yum burgers will be made available again on all the affected stores soonest".
Reference
• www.rappler.com/business/industries/176-food-and-beverage/65659-jollibee-temporarily-closes-stores?
• www.abs-cbnnew.com/business/08/07/14no-chickenjoy-jollibee-explains-why
0 comments:
Post a Comment