Thursday, August 22, 2014 | 1:18am By AEDRIANNE ACAR
'We owe it to our audience' - Michael V
Nineteen glorious years!
Ganyan na katagal umeere ang top rating gag show na Bubble Gang. At sa pagdaan ng panahon, patuloy pa rin ang pagsuporta ng milyung-milyong Kapuso natin sa programa na maituturing nang institusyon sa larangan ng komedya.
Patunay lang na hindi mapantayan ang Bubble Gang sa dami ng mga parangal na natanggap nito through the years.
This year pa lamang nakuha nito ang award bilang Outstanding Gag Show sa 5th Golden Screen Awards for TV. Hinirang din ng mga estudyante sa University of Santo Tomas ang mga Kababol natin as its Students’ Choice of Comedy Program sa 10th USTv Students’ Choice Awards for 2014.
Kinilala rin ng mga eskuwelahan na Polytechnic University of the Philippines (Mabini Media Awards) at Northwest Samar State University ang galing ng Bubble Gang sa pagpapatawa.
Ayon sa Bubble Gang veteran na si Michael V, ang lahat ng parangal na nakamit ng show ay dahil sa kanilang loyal viewers.
Aniya, “Audience. Ako lagi ganun eh ‘yung audience babalik mo lang kasi in the first place kaya gumawa ng show para mag-cater ka dun sa specific audience na target mo.”
Para kay Bitoy, habang tumatagal ang Bubble Gang kailangan nilang ireinvent [reinvent] ang show nila para makapag-cater sila sa growing number ng audience nila at higit sa lahat, mapasaya ang mga ito.
“Dumami ‘yung klase ng audience namin, dumami rin ‘yung klase ng jokes at ‘yung style na binabato namin kasi kailangan ma-please namin lahat para tuloy-tuloy 'yung pagtangkilik doon sa show.”
Source
• http://www.gmanetwork.com/entertainment/gma/articles/2014-08-20/11453/We-owe-it-to-our-audience-Michael-V#sthash.3tME9zSq.dpuf
0 comments:
Post a Comment