Dahil sa pagiging mabagal sa pagsusulat, isang walong-taong-gulang na lalaking mag-aaral ang ikinandado raw ng kaniyang guro sa silid-aralan sa Bato, Camarines Sur. Pero depensa ng guro, hindi niya sinasadyang maiwan ang estudyante dahil hindi niya ito nakita bunga ng kawalan ng kuryente.
Sa ulat ni Avril Daja ng GMA-Bicol sa GMA News TV's "Balita Pilipinas Ngayon" nitong Huwebes, umiiyak pa rin ang bata nang makapanayam sa kanilang bahay.
Ayon sa ina ng bata, hindi pa rin makalimutan ng kaniyang anak ang ginawang pagkulong sa kaniya ng guro sa San Miguel Elementary School noong Martes.
Nagalit daw ang guro nang hindi matapos ng bata ang ipinasulat na aralin kaya pinaiwan siya sa silid-aralan kahit tapos na ang klase at saka kinandaduhan.
"Hindi pa po ako tapos magsulat, tapos kinuha niya po yung bag niya. Lumabas po siya tapos kinuha niya po ang susi, sabi niya sa akin kukunin niya raw yung susi. Pinag-lock-an ako," kwento ng bata.

Isang estudyante umano ang nakapansin sa batang umiiyak sa loob ng silid-aralan at nakita rin niya na umuwi na ang guro nito na nag-lock sa kuwarto.
Nakalabas lang ang bata nang puwersahang buksan ang silid-aralan pagkaraan ng halos 15 minuto.
Labis ang sama ng loob ng ina ng bata dahil sa matinding trauma na inabot umano ng kaniyang anak dahil sa insidente.
Dagdag ng ina, hindi makakain ang kaniyang anak at napapasigaw ito ng "titser" kapag
Paliwanag naman ng inirereklamong guro na si Margarita Buena, hindi niya sinasadyang maikandado ang bata sa loob ng silid-aralan.
Totoo raw na pinaiwan niya ang bata sa silid-aralan hangga't hindi nito natatapos ang isinusulat.
"Ako naman concerned ako sa bata. Sabi ko dapat matuto siyang magsulat kasi di ba mahirap ang Grade III," anang guro.
Paliwanag pa niya, hindi niya napansin ang bata sa silid-aralan dahil walang kuryente.
"Tapos nung walang kuryente nung time na 'yon. Hindi ko talaga siya nakita. Hindi ko siya nakita na nandiyan pa siya," ani Buena.
Aminado naman ang pamunuan ng paaralan na nagkaroon ng pagkukulang ang guro pero itinuturing nilang "aksidente" ang nangyari.
Nagkasundo na rin umano ang magkabilang panig.
Gayunman, nais pa rin ng mga magulang ng bata na ituloy ang reklamo laban sa guro sa Department of Education dahil sa alegasyon na nananakit din umano ito ng estudyante.

Hindi na nagbigay ng pahayag sa naturang alegasyon si Buena.
0 comments:
Post a Comment