Wednesday, August 13, 2014 10:25pm
Mananatili ang daytime truck ban sa kalakhang Maynila sa kabila ng mga paratang na ito raw ang nagiging sanhi ng congestion sa mga pangunahing daungan sa lungsod, ayon kay dating pangulo at kasalukuyang Manila Mayor Erap Estrada.
Dagdag pa niya, “Hindi ili-lift, wala naman kasing dahilan na i-lift. Gusto nila container vans na ang laki at ang haba, papayagan? They cause traffic.”
Itinanggi rin ng alkalde na ang truck ban ang dahilan ng kawalan ng supply ng isang sikat na fastfood chain. Matatandaang naging maugong ngayong linggo sa social networking sites ang balita hinggil sa limited menu ng nasabing fastfood chain, na kaakibat naman raw ng kanilang "systems upgrade."
Ani Erap, naghahanap lang daw ng dahilan ang mga otoridad para kontrahin ang truck ban. "“Hindi ko kasalanan yun. Bakit Jollibee nagrereklamo, bakit ang McDo, hindi? Bakit ang Jollibee, walang chicken, pero ang McDo, meron?"
Bukod pa rito, idiniin ng alkalde na hindi saklaw ng truck ban ang mga truck na nagbi-biyahe ng perishable good, gayundin ang construction materials.
Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/374621/ulatfilipino/balitangpinoy/truck-ban-dahilan-ng-chickensad-sagot-ni-erap-bakit-ang-mcdo-meron
0 comments:
Post a Comment