latest Post

Canada, gustong sa Pilipinas iprocess ang mga basura na galing sa kanilang bansa

Monday, October 13, 2014 | 3:40pm by ADMIN

Photo from Change.org

Tinatayang aabot ng 50 container van na naglalaman ng mga halo halong basura, scrap papers, plastic bottles, household waste at gamit na adult diaper ang nasa port ng Manila simula pa noong June ng nakaraang taon.

Ang container van ay nagmula sa bansang Canada na inimport ng Philippine-Based importer na Chronic Plastics.

Nagsampa na ng kaso ang Bureau of Customs sa importer na Chronic Plastics na ang ideneklara na laman ng container ay 'paper scraps' na irere cycle. 
Umabot na sa mahigit P66 Million o US$ 1.5 Million ang nagagastos ng gobyerno ng Pilipinas para sa renta ng storage ng container van.

Ayon kay Canadian Ambassador Neil Reeder pinag aaralan na daw ng gobyerno ng Canada ang pagprocess ng mga nasabing basura sa Pilipinas. Dahil hindi na daw nila maaaring ibalik sa kanilang bansa ang mga container vans na illegal na nashipped palabas sa kanilang bansa.

Ayon naman sa Department of Health o DOH maari daw  makasama sa kalusugan ng mga workers sa port at mga naninirahan malapit dito ang laman ng conatainer vans kaya ipinag utos nila na idisenfect ng mga ito.

Source: Rappler

About Unknown

Unknown
Recommended Posts × +

0 comments:

Post a Comment

} //]]>